HINDI AKO.

30 2 0
                                    

Oo nga pala, bakit nga ba ako nandito?
Ako na palaging nakatanaw sayo.
Ikaw na nasa tabi ko lang ngunit ang akala ko abot kamay ko.
Ako na patuloy, patuloy, nagpapatuloy na umaasa sayo.

Ay teka, oo nga pala.
Hindi nga pala ako.
Hindi nga pala ako yung taong pinapangarap mo.
Hindi nga pala ako yung King sa Chess na dapat protektahan mo. Kasi ako yung Queen. Yung Queen na kahit mawala, okay lang sayo.
Ipagpapatuloy ang laban kahit wala ako.

Oo hindi ako,
Hindi ako maganda.
Hindi ako yung tipong lilingunin ng iba.
Oo wala akong kurba.
Kasi nga hindi ako yung tipo ng babaeng ginugusto mo.

Ako lang naman kasi yung
babaeng simple e,
Yung babaeng kaya kang ipagluto ng kung anung gusto mo.
Hindi kasi ako yung tipo ng babae na laging fastfood ang gusto.
At hindi rin kasi ako yung tipo ng babae na mamahalin ang suot, bags, make up, at relo.

Wala e. Ako kasi to.
Pero sa lahat ng to.
Hindi ako ..
Hindi ako yung tinitignan mo ..
Hindi ako yung tinititigan mo ..
Hindi ako yung taong nakakapagpasaya sayo ..
Hindi ako yung taong pinapangarap mo ..
At lalong HINDI AKO yung taong minamahal mo ..

Salamat, salamat kasi
Pinakita mo kung ano ang tunay na tayo.
Tayo, na walang tayo.
Yung tayo na kahit kulayan ko man hindi magkakaron ng buhay.
Ikaw at Ako, na kelan man hindi magiging buo.
Ako, na kelan man hindi magiging Siya na iniibig mo.
Ako, na kelan man hindi magiging laman ng puso't isip mo.
Oo, Sarah nga ang pangalan ko. Pero hindi ako ang Prinsesa mo.

At eto ako yung taong nangangarap sayo susuko na, itataob na ang baraha. Ang King ay itutumba.
Paalam na Mahal ko.
Magiingat ka san ka man patungo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HINDI AKO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon