ONE

59 2 0
                                    

Wetweeew!

Sht. Pare, chix oh!

Gorgeous.

Sexy.

Hot.

Beautiful.

Yan nalang lage ang naririnig ko sa mga lalaking nakakasalubong ko.

Such an angelic face!

She’s so pretty!

Ang ganda ng katawan niya!

Is she an actress?

Yan naman ang naririnig ko sa mga babaeng nakakasalubong ko.

Haaaayyy! Ang hirap talaga pag maganda! Kinahuhumalingan ka, kinaiinggitan ka pa! Nakakabwisit na nga kung minsan eh! Paulit-ulit nalang. Nakaka-umay!

Since birth ganito na talaga akong iniluwal ng Mom ko kaya naturally beautiful, sexy and hot. *evil laugh*

I was born this way. Okay? Sa edad kong ito, sino ba namang mag-aakalang 16 palang ako? See? Sweet sixteen palang ako pero bonggang bonggang blessings ang binigay ni Lord sakin. Sa mukha ko palang nga at sa katawan huh! Talbog kayo!

“Hi Miss! Wala ka bang sundo?”, isang panget na ungas ang lumapit sakin habang nag-aantay sa sundo ko. “If you want, ako ng maghahatid sayo.”, ngumiti pa to. Yung ngiting aso.

Binaba ko yung sunglass ko hanggang sa matangos kong ilong, enough to see his face clearly.  Eww! Gross! Ampanget! Kaya hindi ko na siya pinansin.

“Halika na miss. Andoon yung car ko. I’ll take you home with me.”, May English pa siyang nalalaman ah! tinuro niya yung parking area sa labas ng airport na to. Hihilahin na sana niya ako pero itinabig ko ang kamay niya.

“Wag ka ng pakipot miss. Nagmamagandang loob na nga ako eh.”, ew ka ha! Eww talaga. I don’t talk to strangers lalong lalo na sa taong bastos. Kaya hindi ko siya kinausap talaga. Nakatayo pa rin ako.

Hinila niya uli ako. Pero imbes na itabig ko yung kamay niya, hinawakan ko rin ito at inikot. Babalian ko talaga tong bastos na to kung hindi lang ito sumisigaw sa sakit.

“Hoy! Ikaw! Mamang bastos! Yang pagmumukha mo pa nga lang bastos ng tingnan! Wag na wag mo akong ginagalit.” , tapos itinulak ko siya papalayo sakin. Muntik na nga siyang matumba sa pagtulak ko sa kanya kay pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao.

Buti nga sa kanya. Ayaw ko sanang patulan dahil matanda na pero inuubos niyang pasensya ko.

Insakto namang dumating ang sundo ko. Kaya sumakay na agad ako sa kotse. Hindi ko na inantay pang pagbuksan ako ni manong driver. Narinig ko pa ngang nagsalita ang bastos na gorang. “Kababaeng tao, ang lakas lakas. Walang galang.”

‘Walang galang mo yang mukha mong bastos! Pasalamat ka ngang matandang panget ka at yan lang inabot mo sakin!’, sigaw ng isip ko.

---------------------

“Miss Sharmei, pasensya na po at ako lang po ang nagsundo sa inyo. Hindi na po sumama ang auntie niyo dahil sa busy sa pag-aasikaso sa bahay.”, sabi ni manong driver habang nagmamaneho papalabas ng airport.

“Nahh, no problem manong. Ano nga po palang pangalan niyo?”

“Carlos po ma’am. Pero nakasanayan ko na ang Caloy.”

I am the BIG BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon