Chapter 23

190 2 0
                                    

-------

Chapter 23

| What's going on? |

CASSIE POV

Lumipas ang tatlong araw, nagtataka ako kay Tristan nung mga nakaraang araw.

Lagi siyang late na umuwi, maaga umaalis. Na di naman niya ginagawa yun lalo na kapag di ko alam.

Alam ko namang busy siya, pero ano man lang yung ipaalam niya sakin kung saan siya nagpupunta at kung ano ang pinagkakabalahan niya.

Yung mga bata naman, di ko na masyado makausap at makasama, dahil busy rin daw sila sa school nila.

What's going on?

Ganyan pa sila kung kelan malapit na yung birthday ko. Nakakainis naman.

"Mam, excuse me po. May tawag po kayo."-maid

"Hm. Okay wait."-sabi ko tsaka ko pinunasan yung kamay ko

Bakit? Dahil i'm baking. Yan na lang ginagawa kong matino sa ngayon.

Tsaka ko tumungo sa counter kung nasaan yung isang phone namin. Konektado naman eh.

"Yes hello?"-ako

"Mam, si Jill po to. May kailangan po kasi kayong pirmahan dito sa office.. Kelan po kayo makakapunta?"-jill

"Uhm. Pwede rin ngayon. Ano ba yun?"-ako

"Uhm. Tungkol po to sa bagong proposal para po sa foundation."-siya

"Ohh yeah. Oo nga pala. Sige. I will change lang then, punta na ako dyan."-ako

"Yes mam."-siya

"Okay. Bye."-sabi ko tsaka ko binaba yung phone

Pagbaba ko ng phone..

Napatingin naman ako nang marinig kong bumukas yung pintuan..

I saw Cat and Max..

Mukhang nagmamadali sila na ewan..

Napakunot noo naman akong lumapit sa kanila.

"Girls! How's school? Is everything okay?"-ako

Sabay silang tumingin sakin.

Isang cold stare iyon.

"Yes mom. May kailangan lang po kasi kaming tapusin na projects eh. Sige po mom."-paalam ni Max sabay takbo ito paakyat

"Hm. About you? May gagawin ka ba? You want to come with me? Punta akong office then pwede tayong magmall."-tanong ko naman kay Cat

"Hm. Sorry mom. I can't. May tatapusin po kasi ako eh. Sorry po. Sige po mom. Ingat na lang po."-sabi niya sabay kiss sa cheek ko at umakyat na rin sa itaas.

Naiwan naman akong nakatunganga dito.

Okay?? Busy silang lahat. Anong meron??

Nagkibit balikat na lamang ako.

"Mam, saan po tong cupcakes na ginawa niyo?"

Napalingon naman ako kay yaya myrna.

"Uhm. Oo nga po pala. Pakibalot po siya sa box, isa isa. Mag iwan na lang po kayo ng apat, para sa mga bata. Dadalhin ko po yan."-ako

Tumango naman siya.

Tsaka na ako tumungo sa itaas, para makapagready na rin.

Sasaglit lang naman ako dun, tapos parang gusto kong dumaan sa office ni Tristan.

Wala naman sigurong masama eh.

Tumungo na ako sa walk in closet ko.

Naisipan kong masuot -

MY PROPERTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon