Chapter one

13 1 0
                                    

Chapter 1~

Ella's POV

Maaga akong gumising para samahan si nanay sa palengke, kahit inaantok pa ako bumangon parin ako. Ako lang kasi ang maaasahan ni nanay dahil ako lang ang naiwan dito sa kanya para pweding makasama dahil yung dalawang kapatid ko nasa saudi at canada para magtrabaho.

Tuwing umaga na yata ganyan na ang routine ng araw ko, samahan si nanay sa palengke at tulongan siya magluto para ibenta. Second Year college na ako ngayong pasukan sa isang sikat na university. Ngayong taon palang ako lilipat sa school nato kasi sa ibang school ako galing dati.

Habang nandito pa ako sa bahay tulongan ko muna si nanay dahil kapag pasukan na lilipat na ako sa dorm ko. Sa maynila kasi yung school na lilipan ko kaya kailangan kong magdorm.

Ako nga pala si shaun mikaella pero sanay ako sa ella na tinatawag sakin, maganda ako sabi ni nanay at sa mata sa diyos kaya wag kayong aangal.

"Nay sabi ni kuya magpapadala daw siya ng pera satin pandagdag gastos daw natin. " sabi ko kay nanay.

Tumawag kasi sakin si kuya kahapun at magpapadala ng pera para pang dagdag sa gastos sa bahay.

"Idagdag mo nalang yan sa dadalhin mo sa maynila para may pandagdag ka sa allowance mo. " si nanay

"Nay para kasi sayo yun at nay may partime job na ako pagbalik ko dun. " paliwanag ko kay nanay..

Hindi na siya umimik sakin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

~Fast forward~

Kakatapos lang namin magluto ni nanay ng mga ibebenta niya. Nagbebenta kasi kami ng mga ulam dito sa labas ng bahay namin kaya maaga kaming namamalengke at nagluluto.

Sa susunod na araw na kasi ako babalik sa maynila kasi malapit na ang pasukan. Magsisimula narin kasi ako sa trabaho ko para may ma iipon ako. Yung binibigay kasi ng kuya ko para sana kay nanay ay inipon ko para may magamit kami pag may emergency.

Kasama ko ang kaibigan ko sa trabaho at pareho din kami scholar. Close kami sa isa't-isa at parang mag best friend na kami.

"Hoy mikaella! Walangya ka bakit di moko sinama sa palengke kanina dibasabikosayonasasamaako.-----" bulalas ng kaibigan kung si brenna.

"Ano gusto mo gigisingin kita samantalang ang sarap ng tulog m--"

"Kahit na sana ginising moko! Ang bad mo talaga sakin. "Sabi niya.."Nung nagising ako kanina nakabalik na pala kayo galing palengke."

"Eh kasi nga tamad mung bumangon ehh kaya ka iniiwan ng mga nagiging boyfriend mo kasi hindi ka nag eeffort. "

"Yay humuhugot na si ella ahh, naks naman yung kaibigan ko marunong na sa ganyan, dalaga kana talaga hahahaha" loko to ahh anong hugot dun, nagsasabi lang nan ako ng totoo.

"Loko ka, alis ka nga dyan sapakin kita dyan eh haharang-harang ka sa daanan ko. Tapon ko kaya tong pansit mukha mo eh noh? "

"Wag mo namang itapon ell, ibigay mo nalang sakin at ubos yan lahat for sure hahaha. "

Siya yung kaibigan kung parang baliw. Siya si brenna, ang makakasama ko sa dorm at magiging workmate ko. Scholar din siya, madaldal at isip-bata minsan.

"Nga pala ell, bukas na ang balik natin sa maynila tumawag kasi sakin yung manager sa store at kailangan nila tayo kasi nag resign yung babae at yung bakla." Sabi niya sakin."Marami daw kasing tao sa store at kailangan nila tayo kaya tutulongan na kitang mag empake mamaya okay. " paliwanag niya sakin.

The four monster prince and meWhere stories live. Discover now