One Shot

7 1 0
                                    

Napamulat ako ng dumampi ang sinag ng araw sa aking mga balat.Bigla akong napangiti ng Napagtanto kong nakatulog pala ako ."Kay gandang panaginip ah" nasabi ko saking sarili at napangiti ng mapait. Hindi ko alam, pero damang dama ko ang bawat haplos ng hangin, pagsayaw ng mga damo,bulakalak at puno, at bawat pagkanta ng mga ibon..Para bang dinuduyan ako ng mga ulap na sa gayong ito'y maalis ang pait na nadarama ng aking puso. Bakit masakit?, panaginip lang iyon diba?. Nasasaktan ako kaya pilit kong inaalis sa aking isipan ang larawang iyon. Larawang parang totoo. Napadako ang aking tingin saking gawing gilid. Nanlabo ang aking mga mata "mukhang uulan ah" .Unti unti ng bumubuhos ang ulan ngunit tila napako ako saking kinalalagyan. Napakasarap pakinggan ang kanilang bawat halakhak, nakakasilaw ang bawat titigan at damang dama mo ang kanilang pagmamahalan.Ngunit iba ang hatid nito sa aking puso. Napakasakit, para akong paulit ulit na tinutusok ng karayom , hindi ko alam kung ano ang pagkukulang ko at nararanasan ko ito ngayon. " Birthday ko ngayon mahal , sabi mo hindi ka makakapunta kasi may sakit ka." . Lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan kasabay nito ang pagsikip ng aking paghinga , para bang nakikisama ang panahon sa aking nararamdaman. Napakasakit, napakasakit na makita ang taong iyong mahal na may kapiling na iba .
*kring, kring, kring*

Napamulat ako ng dumampi ang sinag ng araw sa aking mga balat.Bigla akong napangiti ng napagtanto kong umaga na pala ."Kay gandang panaginip ah"nasabi ko saking sarili at napangiti ng mapait nang maramdaman kong mamasa masa ang aking pisngi. *tok *tok *tok " Nak!, andyan ang kaibigan mo !" napangiti ako ng marinig ko ang sigaw ni mama. Dahil sa kasabikan Dali dali akong bumangon at lumabas ng kuwarto. Sa aking paglabas nakita ko ang isang maputi, matipuno, at guwapong lalaking nakaupo sa aming sala. Ramdam ko ang bilis napagtibok ng aking puso. Nang biglang napadako ang tinggin niya sa akin, bigla siyang napatayo at ngumiti sa akin. Sabay lapit at sabi " Bes, sorry kung hindi ako nakapunta sa birthday mo kahapon, si Mama kasi ayaw akong palabasin lalo na' t mainit. Alam mo namang " saby tinggin sakin ng makahulugan at tawa ng malakas. " Pero ito regalo ko" sabay abot sa akin ng puting balot. Ngumiti ako sa kaniya sabay abot nito " okay lang bes, malakas ka sakin eh, salamat sa regalo ha".Kahit alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo.

Sa Ilalim Ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon