Eto na yung mga steps, sana kahit papano makatulong. =))
Tulad nung sinabi ko sa first page.
Naranasan ko narin maging broken hearted.
MAHIRAP SOBRA.
Lalo na pag alam mong
"MAY KAPALIT KA AGAD."
So eto yung mga ginawa ko, para maka move on.
Sakin umepekto, sana sainyo rin.
Ps. Guys, di lang to basta binabasa. Ginagawa to!
Kung tutuusin, LAHAT tayo alam natin kung pano mag move on,
Ayaw lang natin gawin. Kasi
"UMAASA PARIN TAYO."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1.) Have a formal break up.
• Set things between you two. Dapat alam nyong dalawa na
"wala ng dapat ibalik., wala na dapat asahan. "
2.) Give yourself time.
• Pagkatapos nyong mag usap. Bigyan mo ng time ang sarli mo. Pumunta ka sa tahimik na lugar, kahit sa kwarto mo lang.
iiyak mo na ang dapat iiyak.
Sumigaw ka, ilabas mo lahat ng sakit.
3.) Forgive him/her (Don't be bitter)
• Alam kong di maiiwasan to sa mga taong nag hihiwalay, lalo na dun sa taong INIWAN.
Pero as much as possible, kung may nagawa sya sayo, O galit ka dahil iniwan ka nya o pinagpalit sa iba. Kalimutan mo na yung galit na yon
. Because the more na galit ka sa kanya the more na may pakielam ka parin sa kanya.
Pag galit ka, ibig sabihin lagi mo parin siya iniisip.
Ramdam mo parin yung sakit.
4.) Don't stalk.
• Wag mong alamin lahat sa kanya.
Kung san siya nag pupunta?
sinong kasama nya?
anong oras siya umuwi?
May bago na ba siya?
Pag inaalam mo lahat yan, Trust me. Mas lalo kang mahihirapan.
Dapat sanayin mo ang sarlil mo.
TANDAAN MO: HINDI NA KAYO. WALA KA NG KARAPATAN PARA ALAMIN LAHAT O PAKIELAMAN SIYA SA MGA GINAGAWA NYA.
5.) As much as possible, Cut the connections
• Wag mo muna siya itext. Kapag katext mo siya I'm sure magtatanong ka lang ng mga bagay na ginagawa nya ngayon.. Maghihintay kang magtext siya sayo, Maghihintay kang magreply siya sa mga G.M mo. Sarili mo lang ang pinapahirapan mo.