Bestfriend (One shot)

136 5 0
                                    

Her Point Of View

Nakatingin ako sa lalaking nag hihintay sa altar hindi ko mapigilan na hawakan ng mahigpit ang bulaklak na hawak ko at sariwain lahat ng pang yayare sa buhay namin. Hindi ko napigilan ang pag tulo ng luha sa aking mga mata ngunit ngumiti na lang ako habang nakatingin sa kanya. Napaka gwapo talaga niya at mas gwumapo pa siya ngayon dahil kumikinang ang kanyang mata dahil sa kasayahan.

Ang sarap niyang mahalin. Simula mga bata pa lang kami ay mahal ko na siya at hindi ako makapaniwala na andito siya nakatayo sa altar habang ako nag lalakad na hawak ang mga bulaklak.

*Flashback*

Lingo ngayon at nasa park ako, hinihintay si Leroy. Nag text kasi siya para mag kita daw kami at may ikwekwento siya sa akin. Nakangiti lang ako habang hinihintay siya, masaya kasi ako na kahit linggo ngayon ay mag kikita pa rin kami. 

Si Leroy ang matalik kong kaibigan, simula ng elementarya ay lagi na kami mag kasama. Sandalan namin ang isa't isa pag kami ay napapagod na. Akala ko nung una yung pag mamahal ko sa kanya ay ordinaryo lang pero hindi pala. Hindi ko kasi maisip na mag karoon siya ng kasintahan at hindi ako yun. Natatakot ako sa nararamdaman ko pero masaya rin ako kasi lagi kong nakakasama ang taong mahal ko.

"Best!" Leroy

"Best! Nakakagulat ka naman. Ano ba yang chika mo?" Ginulo lang niya ang buhok ko tulad ng nakasanayan niya. Agad ko naman tinampal ang kamay niya kaya natawa siya at umupo na siya sa tabi ko.

"Cute mo talaga. Kwekwento ko lang panaginip ko." Napatingin naman ako sa kanya.

"Ohh anong meron sa panaginip mo?" Kinakabahan ako ang lakas ng kabog ng puso ko sana sign na to Lord. 

"Ikaw daw tapos si Laine." Napawi naman ang mga ngiti ko. Bakit kaylangan kasama pa si Laine? Si Laine pala yung nililigawan niya, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na may nililigawan na siya. Buong akala ko kasi ay para kami sa isa't isa.

"Ohh anong nang yare?"

"May sunog daw andoon kayo."

"Sino naman niligtas mo?"

"Ikaw kasi bestfriend kita" natahimik ako at tumingin sa kanya.

"Pakatapos anong nang yare?" 

"Tapos namatay ako" gulat akong napatingin sa kanya.

"Bakit naman?"

"Kasi binalikan ko si Kyla at doon ako namatay pero kahit ganun ay masaya ako kasi yakap yakap namin ang isa't isa." Napakunot naman ang noo ko.

"Masaya ka dahil namatay ka?"

"Masaya ako na kasama ko siya hanggang sa dulo. Mahal ko na talaga siya Jane." Nakangiting sabi niya. Ngumiti na lang ako ng pilit pero gustong gusto ko na umiyak nun. Durog na durog ako.

Ito na ba yung sign na hangang dito na lang ako? Ito na ba ang sign na dapat itigil ko na ang kahibangan ko at tanggapin na hanggang mag kaibigan lang talaga kami?

*End of flashback*

Ang Kislap ng mga mata niya ay hindi napawi habang hinahalikan ang babaeng pinakasalan niya. Ang babaeng pinangakoan niya ng pang habang buhay na pag mamahal. Hindi ko mapigilan na lumuha habang tinitignan sila. Hindi ako makahinga dahil sa kabiguan na nararamdaman ko.

Wala na talaga. Wala na talagang pag asa na maging kami.

*Flashback*

Ngayong araw andito ako sa park nang biglang may kumalabit sa akin nang tignan ko si Leroy pala. Kaya agad akong tumayo para umalis, ayaw ko siyang makita, ngunit nahabol niya ako at hinigit ang braso ko. 

"Ano bang problema mo Jane bakit mo ba ako iniwasan? Sa school di mo ko pinapansin, pag pumunta ako sa bahay niyo hindi mo ako binababa. Sabihin mo nga sa akin may problema ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali?"

"Wala." malamig na sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya upang di niya makita ang maluha luha kong mata.

"Sabihin mo naman Jane kung anong problema. Tutulungan kita." napabuntong hininga ako.

"Pwede ba Leroy bitawan mo na ako."

"Hindi. Sabihin mo muna ang problema mo."

"Gusto mo talaga malaman?"

"Oo"

"Masakit na kasi Leroy." naluluha kong sabi sa kanya.

"Haaa?" naguguluhan niyang tanong.

"Leroy mahal kita. Matagal na bakit ba kasi di mo ako napapansi?  Bakit mga kaibigan ko napapansin mo? Ako hindi. Mahal na mahal kita Leroy at ang sakit sakit na." hindi ko na napigilan ang lumuha ng lumuha. Naramdaman ko naman ang pag bitaw niya sa akin.

"Jane..."

"Leroy sinubukan ko naman na tigilan to pero, bawat tigil ko lalo kitang minamahal. Ang sakit sakit na Leroy mahal kita, sobrang mahal kita. Ikaw ba? Ah... oo nga pala mahal mo ako pero bilang kaibigan lang."Umiiyak na sabi ko.

"Mahal kita Jane. Noon pa lang---" Hindi na niya natuloy pa dahil hinapit ko siya at hinalikan. 

Pag katapos ng halik namin ay bigla siyang napahilamos sa mukha niya.

"Mali to Jane. Maling mali." Naguguluhan ko naman siyang tinignan.

"Sabi mo mahal mo ako?"

"Oo nga mahal kita! Mahal kita noon, iba na pag mamahal ko sayo ngayon Jane."

"Paanong iba?"

"Iba kasi tanggap ko na hanggang dito na lang tayo. Kami na ni Laine, Jane at sobra ko siyang mahal. Sorry." 

"K-kayo na?" Napaluhod ako.

"Yes. Kaya kita gusto makausap para sabihin ko sayo to."

"Pero humalik ka din sa akin!"

"I'm sorry. Just forget your feelings."

"Akala mo ba madali yun?"

"Kayanin mo."

"Hindi ko kaya Leroy! Sobra kita mahal!"

"Mahal kita Jane, sobra din kaya lang ayaw ko kasi mawala ang pag kakaibigan natin. Mas kaya kong maging kaibigan mo. Pero si Laine mahal ko siya hindi dahil sa kaibigan ko siya pero dahil gusto ko siya makasama pang habang buhay."

*End of Flashback*

"And now let's give a round of applause for Jane the bestfriend of the groom! Come here Ms. Jane and give your message." Nag palakpakan naman sila. Tumayo na ako at pumuna kung asan ang microphone. Bumuntong hininga lang ako.

"Hi Leroy" Nakakita ko naman ang pag ngiti niya. "I want to use this opportunity to thank you for being my bestfriend. Thank you sa lahat and gusto ko lang malaman mo na kahit anong man yare, kahit saan ka man mapunta lagi mong tatandaan na mahal kita. Hangad ko ang kasiyahan mo at para sayo Laine, alagaan mo si Leroy at mahalin mo siya ng buo. Wag ka mag alala Leroy dahil tanggap ko na, tanggap na tanggap ko na hangad ko ang kasiyahan niyo at wag ka mag alala kasi kakalimutan na kita." At bumuhos ang luha ko pero agad ko to pinunasan at napatingin sa kanya, ngumiti ako sa kanya tulad ng dati. 

"Kakalimutan na kita. Masaya ako para sayo best." Nakita ko ang pag ngiti niya sa akin kaya napangiti ako at napatingin sa taas. 

"Help me Lord." Bulong ko sa hangin.

Bestfriend (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon