"I'm Arissa Mae Valerio from Calasiao, Pangasinan." I said to the whole class while standing in front of them.
Halos magcrack boses ko sa pagkahiya habang sinasabi yan. Hindi naman kasi start ng pasukan or hindi naman kasi new school year pero nagpapa-introduction pa tong new teacher ko.
Yung old teacher ko kasi hindi daw pinayagan na maghandle pa ng isa pang subject kasi na-max na daw niya ang pwedeng ihandle ng isang teacher.
"I'm Christine Joy Paasa." Pagpapakilala din ng bestfriend ko sa klase. Dito naman ay nagbulong-bulungan ang ilan naming mga kaklase. Natatawa sila sa apelyido eh. Kahit ako din naman. "I'm 19 years old." Pagpapatuloy ng bestfriend ko na classmate ko.
Kainis naman kasi tong new teacher ko. Ginagawa kaming elementary. Tiyaka uso pa ba tong introduction introduction na to?
Matapos kaming magpakilalang lahat, nagpakilala din ang new teacher namin. Anna daw ang name niya. Napakadami niyang sinabi pero yung Anna lang talaga isinaulo ko. Hehe.
Last subject ko na ngayon. English tong subject ko right now at every Tuesday and Thursday lang to at 4:30pm-6pm. Ang gandang schedule ano?
5:20PM na at may pa-activity pa pala itong si Ma'am. Di naman na binigay agad para mabilis kaming natapos.
Dinistribute ng facilitator sa amin ang activity sheets namin at lumabas yung new teacher namin.
May facilitator po kami kasi sa 1 hour and 30 mins na pagturo ng teacher namin, 4 sections ang hinahandle agad ng isang teacher. Kaya kelangan nila ng magbabantay sa amin or tutulong sa teacher. Estudyante din sila pero nagtatrabaho na din at the same time. At yun ang trabaho nila.
Sumisweldo ba sila? Hindi. Pero nababawasan ang tuition fee nila.
Dalawa silang faci dito. Aba't pogi yung isa. Maganda yung mata, medyo chinito. Maitim siya pero carry lang para mas maputi ako kaysa sakaniya. Pogi siya pero kinapos sa height. Pero okay lang. Hehehe.
Yung isang facilitator naman medyo maputi. Pero wala na akong pake dun. Nagpatuloy nalang akong magsulat. Kailangan kong bilisan para makauwi ako kaagad. Ang hirap kaya umuwi ng ganitong oras no.
Sobrang pangit na ng sulat ko sa pagmamadali ko. Which is talagang pangit naman talaga ang penmanship ko. Haha! Gustong gusto ko na kasing umuwi eh. Bagot na bagot na ako. Epal kasi tong new teacher eh.
Matapos kong sagutan ang activities ko, pinasa ko na kay kuyang facilitator na maputi.
"Ay di pa pwede ipass. Tiyaka bawal pa umalis." Sabi niya sa akin na agad namang ikinadismaya ko. Binawi ko nalang ulit ang papel ko at umupo ulit sa upuan.
"May nagsasagot pa ba?" Tanong ni kuya facing maputi.
Agad naman kaming nagtinginang lahat na magkakaklase kung may nagsasagot pa ba or kung sino at ilan. May mga nagsasagot pa. Sheeez. Mukhang di magpapauwi to kung di pa tapos lahat.
After few minutes...
Jusko! 5:47PM na! Mga bes, gusto ata umabot hanggang 6PM sagad eh!
"Tapos na ba lahat?" Tanong naman ni kuya facing pogi na kinapos sa height. Eh di ko alam name nila eh. Bakit ba? Hehehe.
"Yessss." Sagot ng mga kaklase ko na parang elementary.
"Okay." Sagot nung isang faci.
Nakatayo na yung ibang classmates ko, ready to go na. Ako pasuot na ng bag ng biglang- "Mag-aattendance pa ako. Bawal pa umalis." Biglang sabi nung faci na maputi.
Anak ng shark! 5:54PM na bessy! Sulit na sulit oras! Medyo madilim na!
Isa isang binanggit ni kuya faci ang mga apelyido namin. From letter A to letter Z. At dahil letter V ang start ng surname ko, siyempre talagang di pa ako makakaalis agad agad.
Bakit ba kasi letter V apelyido ko? Huhuhu. Ang dayaaaa.
"Val-" Sabi ni kuya faci.
"PRESENT!" Sigaw ko pero may kasabay pa akong nagsabi nun. Napatingin ako dun sa taong sumigaw din nun at kumunot ang noo.
"Valdez?" Sabi ni kuyang maputi na faci. Bigla akpng napahiya dun. Hindi pala ako. Nag-peace sign ako kay kuya faci. Hehe.
"Valerio." Sabi ulit ni kuya faci.
"Present po." Sagot ko kay kuya faci tapos ngumiti ng pilit.
"Pwede na kayo umalis." Sabi niya. At nagsiunahang lumabas ang mga classmate ko.
At talagang pwede na kaming umalis no! Jusko! 5:59PM na! Baka gusto pa sulitin 1 minute niya! Nainis na naman ako pero wala naman ako magagawa. Umuwi nalang ako.