Noong unang panahon, naninirahan pa nang mapayapa ang mga lamok, tao at mga unggoy. Nagbago ang lahat nung umatake si Muklamukmok na isa sa mga pinakamatapang na lamok sa kaharian ng mga unggoy. Ang mga mahihinang unggoy nung araw ay may sakit na dengue at isa dito ay inatake niya gamit ang kanyang kapangyarihan na Proboscis kung saan kaya niya sumipsip ng dugo.
Nakalipas ng ilang siglo. Nadiskubre na nahawaan ang mga lahi ng tao ng sakit na dengue. "Grabe, lagi nalang tayo sinisisi ng mga tao" wika ni Pedro na isang hari ng mga poging lamok. "Kung hindi lang kasi pinasa ni Muklamukmok yung sakit ng mga unggoy sa tao, hindi sana mangyayari to" wika ni Juan na isang hari ng mga tamad na lamok.
Habang umaalab ang damdamin ng dalawang hari ng mga lamok laban sa mga mapanghukom na tao. Naisipan ni Pedro na ikalat ang dengue virus sa mga tao. Sumang-ayon si Juan sapagkat lagi nalamang silang sinisisi ng mga tao kahit kagagawan lamang ito ng isang lamok na si Muklamukmok. "Para gawing katotohanan ang kasinungaling pinararatang sa atin, gawin natin ang binibintang nila sa atin" ang naisip ni Pedro.
Lumipas nang dalawang araw, naghanda ng pinakamalalakas na hukbo ang bawat isa sa dalawang hari. Ang hukbo ni Pedro ay ang Aedes aegypti samantalang ang hukbo ni Juan ay ang Aedes albopictus. Kinuwa nila ang dengue virus sa labi ni Muklamukmok sa libingan ng mga bayani at nilagay sa tae at pinasipsip sa mga hukbo nila.
Lumusong na ang mga lamok na may dalang dengue. Pinag-isipan ito nang husto ni Juan at sa gabi sila sumalakay. Pinag-isipan din ito ng husto ni Pedro kaya sa madaming tao sila sumalakay o sa urban. Nagsimula na ang plano nila at ginamit ang pinagbabawal na technique o pamamaraan na Proboscis na nagmula kay Muklamukmok. Dito na nagsimula lumaganap ang dengue.
Salamat sa pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Dengue : Ang Maikling Kwento ng Lamok
Short StoryIsang maikling kwento na mapupulatan ng aral. Isang maikling kwento na may kinalaman sa dengue at storya ng mga lamok. Basahin na ang Dengue : Ang Maikling Kwento Ng Lamok para sa mga aral tungkol sa lamok at dengue. Isang nakakaaliw na babasahin na...