Noong ikalawang digmaan, si Christian ay isa sa mga sundalong naatasan na makipag-laban sa mga Hapon. Isang araw bago umalis si Christian, sinabi nya sa kanyang asawa na si Maria, na kailangan niyang umalis dahil makikipag-laban sya sa mga Hapon kasama ang ibang mga sundalo. Nagulat si Maria sa sinabi ng kanyang asawa. Nagalit sya at hindi pumayag dahil masama ang kutob niya na may mangyayaring masama. Ngunit, hindi nagpa-pigil si Christian dahil ito ang kanyang trabaho. Ang ipaglaban ang pilipinas. Umiyak si Maria, dahil baka hindi na nya ulit makapiling ang kanyang asawa. Dali daling lumapit si Christian at niyakap si Maria, sabay sabi ng "Mahal, tahan na." Tumahan si Maria at niyakap ng mahigpit si Christian. Natulog na si Maria, habang si Christian ay busy pa sa kanyang pag iimpake ng gamit. Pagkatapos nya, dali dali syang kumuha ng papel at ballpen para gumawa ng sulat. Lumipas ang isang oras, natapos nya din ang kanyang sinulat at nilagay ito sa kabinet ni Maria. Dali daling siyang tumabi kay Maria at natulog na rin. Kinabukasan, paalis na si Christian at sya ay nagpapaalam na sa kanyang asawa at sabay sabi ng, "Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo, dahil ako ay mawawala muna ng ilang araw o baka hindi na ako makabalik." Sumagot si Maria, "Siguraduhin mong babalik ka, dahil masama ang kutob ko sa gagawin mong pag-lisan papunta sa labanan. At ayun na nga, umalis na si Christian. Hindi maalis sa isip na Maria na baka ito na ang kanilang huling pagkikita kaya dali dali syang tumakbo at hinabol si Christian, at niyakap syang muli. Nang sya ay naka sakay na, sya ay nalungkot kasi hindi sya sigurado kung magkikita pa silang muli. Nakarating na sya sa kanyang destinasyon at naghahanda na para sa laban. Nang sila'y pumunta na sa labanan, sila ay luging lugi sa kagamitan, kaya sya ay natamaan ng bala sa ulo at namatay. Kinuha ng mga kalaban ang kanyang katawan at itinapon sa lugar na hindi sya makikita. Ibinalita agad ito ng kanyang mga kaibigan kay Maria, at nang malaman nya ito, hindi nya napigilang umiyak. "Sabi na eh! Masama ang kutob ko sa simula pa lang. BAKIT KO SIYA HINAYAANG UMALIS?! Ang tanga tanga ko!" *Kausap ang sarili*. At nang sya ay matauhan, pumunta sya sa kanyang kabinet upang hanapin ang kanyang nawawalang damit, at aksidenteng nalaglag ang isang papel. Dali dali nya itong pinulot at binuksan. Nang ito'y kanyang buksan, nagulat sya sa kanyang nabasa. SULAT ITO NG KANYANG ASAWA! Kanyang binasa ang nakasulat sa liham:
"Mahal, kung hindi man ako makauwing muli, palagi mong tatandaan na kahit mawala man ako, nandito lang ako palagi sa tabi mo. Babantayan kita. Kung sakaling hindi na ako makabalik, ibababa ko na ang baril ko sa lupa isasabit ko na ang aking mga boots. Andito nako sa tabi ni Jesus magkatabi kaming nakatingin sayo. At alam kong ang kaluluwa ko ay mapupunta sa kung saan laging dinadasal ng nanay ko na mapunta. At kung sakaling hindi na ko makauwi, andun nako. Habang binabasa mo to sobrang gusto kong masilayan ang paglabas sa mundo ng kaunaunahang babaeng anak natin. Sana maging kamukha mo at sana maging kasing tapang ko na tatayo para sa mga inosente at mahihina. At habang binabasa mo to iniisip ko na darating din ang araw na magiging handa kanang magmahal ng iba at yun ang tanging hiling ko. Nakakalungkot isipin dahil hindi ko na syang makikitang lumaki. Tandaan mo na nasa mabuting lugar na ako. At kung sakaling hindi ako makauwi at mamatay ako sa gyera, baka bukas na ang huli nating pagkikita. Paalam mahal, hanggang sa muli."