○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○
Tricia's POVHi guys ^_^ my name is Patricia Sharlaine Guttierez and I'm 19 years old
"Tricia!" malakas na sigaw ni antonia kaya napalapit ako sakanya
"Bakit antonia?" tanong ko sakanya kaya tumingin siya sakin ng masama
"What the fuck?! Don't you dare call me antonia! Call me tony!" inis na inis na sabi niya sakin kaya natawa ako pero sa isip ko lang hahaha syempre baka masampal niya ako eh anyways ayaw niya kasing tinatawag siyang antonia o kaya charlie hahaha ang pangit daw kasi
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" masungit na tanong niya ay! Hindi ko alam na napalakas yung tawa ko
"Hehehe wala. Bakit mo nga pala ako tinatawag?" tanong ko sakanya kaya tinuro niya yung mga maduming damit niya
"Labhan mo lahat iyan! Kapag may dumi pa akong nakita lagot ka sakin" seryosong sabi niya
"Eh? May katulong naman eh bakit ako pa? Tsaka gabi na kaya" sabi ko at nag pout pa bwisit na antonia na ito! Inuutusan ako samantalang ako ang tunay na anak ng tatay ko! Bwisit siya!
"Wala akong pake kung gabi na! At gusto ko na ikaw ang maglaba ng damit ko! Bakit may angal?" tanong niya pero ngumiti lang ako at umiling tss naalala ko dati na kinulong niya ako sa bodega ng hindi ko alam basta nung lalabas na ako hindi ko na lang mabuksan ang pinto tapos naririnig ko siyang tumatawa sa labas grabe kaya doon sa bodega nakakatakot kasi ang dilim tapos sobrang gutom ko non at ang dahilan niya lang naman kung bakit niya ginawa sakin iyon ay dahil hindi ko siya pinagtimpla ng kape!
"Sige go shooo maglaba ka na" sabi niya at umakyat na papunta sa kwarto niya hayyy makapaglaba na nga lang
Nandito ako sa garden naglalaba hihi diba ang sosyal ko sa garden pa ako naglalaba xD at hindi lang iyon gabi na din
"Uy, babe anong ginagawa mo diyan?" tanong ni nathan tss ito talaga puro kalokohan haha pagpasensyahan niyo na trip niya lang tawagin akong babe eh tsaka bakit sila nandito gabi na eh siguro dabil miss nila ako wahaha okay ang kapal ko xD
"Babe ka diyan! Tsaka hindi mo ba nakikita na naglalaba ako?" masungit na sabi ko sakanya haha ewan ko pagdating sakanya ang sungit ko siguro dahil alam ko na may gusto sakanya si sheena
"Sungit mo naman ata ngayon?" sabi naman ni terrence, tsk bigla bigla na lang talaga sila sumusulpot
"Hi tricia!" masayang bati sakin ni jassy kaya nag hi ako din ako sakanya pabalik
"Yow tricia" bati naman ni kyle kaya nginitian ko siya at tumayo na hayyy tapos na pala ako sa wakas
"Bakit ikaw naglalaba diyan babe?" tanong ni nathan pero hindi ko siya pinansin bagkus napatingin ako kay jassy
"Jassy nasan si sheena?" tanong ko sakanya
"Hmmm tricia pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya kaya tumango ako hmm ano kaya pag-uusapan namin? Nakita ko siyang tumingin kina terrence at tumingin na ulit sakin
"Ng tayo lang sana" sabi niya medyo kinakabahan ako kasi mukhang seryoso siya
"Bakit hindi kami kasama? Kaibigan mo din kami" reklamo ni kyle kaya sumangayon sina terrence
"Hayy oo na sige na" napilitan na sabi ni jassy
"Ano ba 'yon jassy?" tanong ko sakanya kaya napayuko siya
"Sorry hindi ko nasabi sayo na... nasa bar si sheena ngayon kasi ano... may problema siyang dinadala tapos sobrang nasaktan pa siya nung lalaking mahal na mahal niya" sabi ni jassy at tumingin siya kay nathan, at si nathan naman napayuko lang
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bestfriend
Teen Fictionpuro biro lang naman dati eh... puro laro lang din...at puro saya lang pero nagising na lang ako ng isang araw na mahal ko na pala siya....nagising na lang ako na hinahanap-hanap ko siya pero alam niyo iyon? masakit kasi lagi na lang ako ang binabal...