Chapter Two

2K 27 0
                                    

Den's POV

Nagising ako dahil sa aking alarm clock. 6:00 na pala. I should get ready because my class will start at exactly 8:00 a.m. After I took a bath, I grabbed my things and went downstairs for breakfast. Pagbaba ko nandun na rin sila Dzi, Fille, Besh at Besh. Tulog pa siguro yung iba.

"Besh, what time class mo?" tanong ko kay Ella.

"8:00 besh. Why?" sagot naman niya.

"Wala lang. Same pala tayo ng time ng class. Sabay na tayo, you want?" sabi ko naman sa kanya.

"Sure besh." sagot niya naman sa akin.

"Dzi what time iaannounce yung mga new members? Naeexcite tuloy ako. Sana magaganda sila. Ouch!!!" sabi ni Gretch binatukan kasi siya ni Fille.

"3:00 daw. Ipopost daw sa bulletin board yung list. Antayin niyo na lang sila dito sa dorm mamaya." sagot naman ni Capt.

"Tara na besh." sabi ko kay Ella. Pumunta na kami sa car ko. Nagdrive na ako at pumunta sa school.

"Besh, thanks for the shoes and the keychain. Ang ganda ganda nung shoes." sabi niya sa akin.

"Hahaha. You're Welcome!" sabi ko naman.

"Besh, may bago ka nanaman bang nililigawan?" Out of the blue na tanong niya.

"Hahaha. Ako pa eh alam mo namang di pa kami nagbebreak ng girlfriend ko may nililigawan na ako. Hahaha. Kaklase ko ngayon yung nililigawan ko eh. May pupuntahan kami mamaya, papasagutin ko na siya. Hahahaha." sabi ko sa kanya.

"Ano pangalan Besh?" tanong niya sa akin.

"Alexine Garcia. Maganda din. Besh, minsan nagtataka nga ako kung paano sila nafafall sa akin ng ganun kabilis. Ilang weeks ko lang silang liligawan, tapos mga 1 week lang ang tintatagal ng relationship namin pero kung umiyak sila kala mo 10 years na kami. Pero yun naman yung mission ko ehh, yung makita silang umiyak." sagot ko sa kanya.

"Besh kaya naman sila nafafall sa iyo kasi sobrang caring mo sa kanila. Sobrang bait mo sa kanila at napakagenerous mo. Kaso nga lang di mo sila mahal. Ang dali dali lang kaya mainlove sa iyo. Tapos kahit mataray o masungit ka sa iba, pagdating sa girlfriend mo at sa mga kaibigan mo mabait ka kaya naman nagugustahan ka talaga nila. Tapos yung boses mo pag kausap mo sila parang bata kausap mo. Kaya kahit babae ka gusto rin nilang makasama ka ng matagal. Kasi mahirap makahanap ng isang babae o lalaki na katjlad mo. You're one of a king, Besh." sagot naman ni Ella.

"Ganyan pala talaga kababaw ang mga babae. Nakakatawa sila. Konting charm lang sobra sobra na kung mafall." sabi ko sa kanya.

"Grabe besh babae din ako no. Bakit mo ba ginagawa yun? Kailangan mo ng magbago." sabi niya sa akin.

"Sorry naman besh. Babae ka pala, hindi halata eh. Sure ka bang straight ka? Baka naman kauri ka namin nila Gretch. Hahahaha. Kaya ko to ginagawa kasi............. SECRET." sabi ko sa kanya.

"Grabe ka besh. Babae po ako." sabi niya sa akin. Tinignan ko lang siya sa mata at nagsmirk.

"Okay fine. Bisexual ako okay ka na?" sagot niya sa akin at namumula na siya.

"Hindi pa rin. Kung ayaw mo pang umamin na lesbian okay lang naman pero sinasabi ko sa iyo lalabas din yan. Hahahahaha." sabi ko naman sa kanya.

"Bahala ka nga diyan, Besh." sabi niya at sumimangot.

"Grabe binibiro lang kita besh. Wag ka na sumimangot pumapangit ka lalo eh." sabi ko dito.

"Besh naman ehh." sabi niya.

"Biro lang besh. Ang cute cute mo nga eh." sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Dumating na din kami sa school. Pinark ko lang tong car ko at pumunta na kami ni Besh sa sarili naaming room. 7:30 na pala. Pagkapasok ko sa room, mayroon ng mga 15 na students. 42 students kasi kami sa class na ito. Nandito na rin pala si Alex. Nilapitan ko siya.

Change YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon