"AYUSIN MO NGA!" Sigaw ng baklitang fashion designer sakin.
"Pasensya na po madam alexandra, medyo masikip po sakin tong gown." sagot ko.
"AH! SO KASALANAN KO PA DAHIL MASIKIP YANG GAWA KO?" Pasigaw ulit nya.
"Ay hindi naman po sa ganon madam. Medyo hindi lang po ako kumportable. Teka, wala pa po ba yung photographer?" Tanong ko.
"Ah hindi ka kumportable?" Tanong nya.
At tumango naman ako habang naka ngiti.
"Iha, wag mo na rin hintayin yung photographer, DAHIL AYOKO NG MAKITA YANG MUKHA MO! NAPAKA ARTE MO! LAYAS! SINASAYANG MO ORAS KO!" Galit na galit na sagot ni madam.
Umalis na lang ako na may lungkot sa'king mukha. Wala eh. Hindi nagkasya. Siguro ganon siguro pag stress. Tumataba. Hayst.
Ako nga pala si Ciannen Roberto. 19 years old.
Isa akong model. Freelance lang. Kapag may raket, gina grab ko na. Kelangan ng pang tuition eh. Napaka rami ko ng napasukang trabaho. Katulad ng waitress, janitress, Taga make up, Singer sa kasal or minsan sa mga bar at higit sa lahat, maging isang ate sa mga nakaka bata kong kapatid.Maraming nagsasabi sakin na sinasayang ko lang daw tong ganda ko. Kase madalas lang akong nasa fast food chains, karinderya at kung saan pa. Kaya ayun isang araw, may lumapit sakin sa mall. Tinanong ako kung gusto ko daw maging model at um oo naman ako at sinali nila ako sa kanilang agency. Hindi naman ako kagandahan. Pero pwede na. Marami nag sasabi na hawig ko daw si nadine lustre, na may pagka james reid. HAHAHAHA charot lang.
So ayun. Welcome sa aking buhay!
Sanay na rin akong ma reject. Sanay na din ako sa gantong buhay. Jeep dito, mrt doon, pedicab dito, lakad doon. Wala eh. Kelangan kong maitaguyod pamilya ko.First year college na nga pala ako sa kursong HRM. Hindi ko kinuha ang kursong ito dahil "madali" daw sabi ng iba pero sa palagay ko, walang madaling course. Lahat yan pinag hihirapan. Pangarap kong mag trabaho sa hotel o sa barko. Gusto ko rin maging katulad ni papa na seaman. Kaso pumanaw na rin sya nung ako ay grade 11.
Medyo mahirap. Kase panganay ako. Sanay kami sa masaganang buhay dati. Halos lahat nabibili mga gusto namin. At ngayon, ako na ang tumatayong tatay sa mga kapatid ko na si anna at benjie. Si anna grade 10 na ngayon at si benjie naman ay nasa grade 8. Mahirap mawalan ng tatay dahil sobrang close ako sa kanya.
Alas otso na ng gabi at nag lalakad na ko pauwi.
Sinabihan ako ni mama na wag mag papagabi kase delikado na sa panahon ngayon. Kaya naman dali dali akong naglakad pauwi."Ma! Anna! Benjie! Nandito na si ate." Sigaw ko.
"Oh anak nandito ka na pala." Ngiting bungad ni mama.
Nagmano ako at umupo sa sofa.
"Ma ano ulam?" Tanong ko.
"Embutido anak. At yung tinapa na binili ko kahapon." Tinuro nya ang lamesa.
"Ah. Meron pa po ba tayo pagkain para sa susunod na buwan? May naipon na po ako ma. Baka pwede na kong bumili sa puregold." Sagot ko.
"Pasensya ka na anak ah. Wala pang trabaho ang mama" malungkot na sagot nito.
"Okay lang ma. Ang mahalaga nakaka kain tayo. Nasan na sila anna at benjie? Tara na ma. Kain na tayo" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Canon
Teen FictionIsang Babaeng hindi umano biglang naglaho. At sa kasalukuyan, Kung kelan nawala sya, Nahanap nya ang kanyang Sarili.