Habang nag hahapunan. Tahimik kaming kumakain. Nakita kong may ka chat si anna habang nasa lamesa.
"Diba sinabi ni papa na bawal gumamit ng cellphone kapag kumakain tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit? Wala naman si papa diba? Tsaka masama na bang mag phone kapag kumakain?" Sagot ni anna.
"Anna, kapag hapunan, hapunan. Mag bigay respeto ka sa nakahaing pagkain sa lamesa." Sagot ni mama.
"Edi wow" tahimik na sagot ni anna at bigla syang umalis sa harap ng lamesa.
"Tsk. Hoy anna! Mag hugas ka mamaya ah! Wala ka ng respeto." Sigaw ko.
"Ikaw benjie ah! Wag na wag mo gagayahin yang ate mo!" dag dag ko.
"Opo" sagot ni benjie.
Makalipas naming kumain, pinuntahan ko si anna sa kanyang kwarto.
"Anna pag pasensyahan mo na ang ate ah. Medyo na stress lang ako kanina. Sorry na beh"
"Sorry din ate. Di ko na po uulitin" sagot nya
Niyakap ko ito. Naiintidihan ko sya dahil dumating din ako sa point na ganyan ako. Wala eh. Stage yan ng pagiging teenager.
tho. Bata parin naman ako, mature na ko mag isip kumpara sa ibang kabataan na kaedad ko lang"Bago kami matulog, sinabihan ko sila mama na kung pwede kami mag simba bukas. Tutal sunday naman. Pumayag naman sila kaya natulog na din kagad kami.
KINABUKASAN
Masaya kaming pumunta sa simbahan upang mag dasal at umattend ng misa.
Naiinis lang ako sa mga lalaking sitsit ng sitsit sakin kapag lumalabas ako at hinihingi number ko. Mga walang hiya. Nasa simbahan pa sila."Ma, mag sisindi lang ako ng kandila." Sabi ko.
Habang ako ay nagsisindi ng kandila, nagulat ako dahil may nag flash ng camera sakin.
"Ay sorry miss! Di ko sinasadya" sabi ng lalaki.
"Ha? Hoy mag bigay respeto ka kuya. Nasa simbahan ka, picture ka ng picture! Pasimpleng kinukuhaan mo pa ko ah" Pabulong kong sagot.
"Ah ganon ba. Sorry pero yung mga kandila pinipicturan ko. Hindi ikaw." Sagot nito.
Hindi na ko nagsalita. Medyo napahiya ako dun.
Pagkatapos kong mag sign of the cross, umalis na ko sa sindihan ng kandila."Miss! Saglit lang, ako nga pala si......"
BINABASA MO ANG
Mr. Canon
Teen FictionIsang Babaeng hindi umano biglang naglaho. At sa kasalukuyan, Kung kelan nawala sya, Nahanap nya ang kanyang Sarili.