Nagmamahal ka, 'yan ang sabi mo noong time na nakita kitang mag-isa. Twilight iyon. Ang lungkot mo. Ang unang ngiting nakita ko, hindi umabot sa mga mata mo. Kung may malungkot na ngiti, ngiti mo 'yon. Pero kahit ganoon, gusto pa rin kitang titigan.
Lagi kitang nakikita sa parehong lugar at oras. Naisip ko, aswang ka ba? Bakit laging twilight?
Nag-'Hi' ako.
Sa "hi" nagsimula ang lahat.
Maraming palitan ng 'hi' at 'hello'. Napansin ko, nag-iiba na ang ngiti mo.
Ako ba ang dahilan?
Malamang, 'di ba?
Pero nang tinanong kita, sabi mo: "I never said that I love you!"
Natulala ako. Grabe! Mas guwapo ka pa kay Sam Milby!
Tumigil si Ingrid sa pagbabasa at natawa. Pamilyar sa kanya ang linyang iyon. Saan ba patungo ang binabasa niya?
Napaatras ako. Sumagot ako: "Ganoon na lang? Hindi puwede! I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason!"
Pero sabi mo: "There was never an us."
Sumagot ako: Akala mo lang wala! Pero meron! Meron!"
Nagsikip ang dibdib ko.
Basag na basag ang puso ko, letsugas ka!
Inday Emo
Ilang segundong natigilan si Ingrid bago natawa. Nagbago ang isip niya. Hindi na niya itatapon ang notebook. Itinago niya iyon sa drawer. Kung sino man si Dra. Love, nagpapasalamat si Ingrid—dahil napatawa siya ng pink notebook nang araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Zeus--PREVIEW ONLY
Lãng mạnMaraming hindi magagandang alaala ng kabataan si Ingrid kay Zeus De Villar, ang lalaking crush ng bayan ngunit wala nang ginawa kundi inisin siya. Pati paborito niyang camote cue moments noong twelve years old siya ay sinisira nito. Ang pinakamalala...