DEDICATED TO: ElishaVillanueva22
¤¤¤Lumipad ang mga dahon mula sa kanyang mga kamay. Sumipol ang hangin na nagdala ng malamig na pakiramdam sa kanya. Tumingin sya sa kalangitan, ang pinagmasdan ang mga ulap na para bang gumagalaw. Hindi nya malaman kung ano ang nararamdaman nya. May lungkot na mababakas mula sa kanyang mga mata, ngunit pinipilit nyang alisin iyon. Alam niyang kailangan niyang maging matatag, at naniniwala siya magkikita sila muli.
¤¤¤
[Name of School] High.
Pumasok sya at naramdaman nya ang iba't ibang tingin na nakadirekta sa kanya. Isang normal na nerd na nakasuot ng glasses na may makapal na rim, natatakpan ng buhok ang mga mata, at may dalang mabigat na bag na puno ng libro. Oo, isa ngang nerd ang pumasok sa school na yun, at siya yun. Narinig niya ang pagtawa na nagmumula sa mga naturingang bad boys ng school, ang pagbulong ng mga mean girls, at ang malakas na pagtawag ng "hoy" ng mga bullies nya. Mabilis siyang naglakad papunta sa kanyang classroom nang makita nya na hinahabol sya ng mga bullies, but unfortunately nahablot nila yung coat nya.
"Oi, wala ka bang pera dyan? Libre mo naman ako, oh." umakbay sa kanya ang isa sa kanila.
"E-eh, sorry wala akong pera. N-next time nalang..." tatakbo na sana siya pero nahablot nung isang bully yung kwelyo nya.
Ngumisi ito ng malaki. Napalunok sya. "Di pwedeng wala, nerdy. Kailangang may ibigay ka sakin ngayon o knock out ka na."
Sa takot nya, mabilis nyang kinuha yung bag nya at hinanap yung wallet. Nagkandahulog hulog na yung mga gamit nya pero nangyari pa rin yung pinakakinatatakutan nya.
Nalimutan nya yung wallet nya.
"Ano ba yan? Ang tagal naman," sabi nung isa na nakagel pa yung buhok.
Nanginginig sya nung harapin nya yung mga lalaki. "S-sorry, nalimutan ko talaga yung wallet ko. W-wala akong dalang pera ngayon."
"O sadyang ayaw mo lang magbigay?" kinwelyuhan sya nung leader. "Alam mo, mas mabuti sayo, ginaganto eh."
Nakaramdam sya ng suntok sa tiyan. Paulit-ulit yun, to the point na naramdaman nyang sumusuka na sya ng dugo. Dinala sya nung tatlo sa kasuluk-sulukan ng school nila at doon nila pinagpatuloy yung pambubugbog sa kanila. Naramdaman nya yung patuloy na pagtulo ng dugo at nalasahan nya yung dugo na lasang kalawang sa bibig nya. Unti-unti na sya nawawalan ng malay nang makarinig sya ng isang boses.
"Bakit nyo sya binubugbog?" isang boses ng babae ang bumungad.
"H-hala, si [your name]! Takbo!!" umalis yung tatlong bully, at iniwan syang nakahandusay sa sahig.
"Ayos ka lang, Kuya? Gising ka pa ba?" tanong ng babae sa kanya, habang tinitingnan lang nya ang mga mapupungay nitong mga mata. Hindi nya na namalayan na unti-unti na pala syang nawawalan ng malay hanggang sa mawala na lang lahat sa paningin niya.
"Kuya? KUYA!"
¤¤¤
Infirmary?
Dahan-dahan nyang binuksan yung mga mata nya, at bumungad sa kanya yung babae na nagligtas sa kanya. Mayroon syang [hair length] [hair color] at may [eye color] na mga mata. Matangos ang ilong, mamula-mula ang mga cheeks, at pinkish red ang mga labi. Napansin nya na titig na titig sya sa babae, kaya agad syang umiwas ng tingin dito.
BINABASA MO ANG
for you || jungkook ✔️
FanfictionHanda ka bang mawala sa tabi mo yung taong minamahal mo ng sobra? Handa ka bang masaktan, para sa ikabubuti nya? At handa ka bang gawin ang lahat, para sa kanya? BTS Jungkook Fanfic One-shot Tagalog