Chapter 11: With Him

292 20 3
                                    

AYESHA's POV

*bell rings*

finally! uwian na, kaso sobrang lakas ng ulan,ano ba yan hindi ako nakapagdala ng payong.

wew! lokohin mo lelang mo ayesha,kelan ka pa nagdala ng payong? -.-

"ayesha pwede bang pakisoli to sa library?"ma'am

"sige po"ako

"salamat"ma'am, then umalis na sya

"bait ah"jaspher

"tulad mo ko sayo"ako

"kung ako yun naku hindi ako papayag, aba ako yata ang may ari ng school tapos uutusan lang ako"jaspher

"kaya nga diba sabi ko,wag mo ko tulad sayo"ako

mabuti pa makapunta na nga ng library kaysa kausapin pa to..

paalis na sana ko.. kaso hinawakan nya ko

"about nga pala sa nakita mo kanina, sorry ah"jaspher

"bakit ka naman nagsosorry?"walang gana kong sabi

"ewan ko nga eh, ikaw kasi eh!"jaspher

"aba't bakit ako?!!"ako

"kung ano ano kasi pinagsasasabi mo"jaspher

"tss ewan ko sayo, bitawan mo na nga ako!"ako

"Tara"jaspher, then hinila nya ko

"teka san mo ko dadalhin?!"ako

"edi sa library, dun din kasi ang punta ko kaya sumabay ka na sakin"jaspher

"bitawan mo na ko! mag isa kang pumunta doon at mag isa rin akong pupunta doon!"ako

"ang tigas ng ulo mo! may payong ka ba? pasalamat ka nga eh, isasabay pa kita"jaspher

sabagay sa kabilang building pa nga pala ang lib at mukhang no choice nga ako kung hindi sumabay sa kanya..

binuksan na nya yung payong at asar! lakas ng loob mangsabay pang isang tao lang naman yung payong nya -.- napailing nalang ako..

ano ba yan! naiilang ako, sobrang lapit nya sakin, to the point na di ko na pala namalayan na nakaakbay na pala sya sakin >///<

"nababasa ka ba?"jaspher

"ah-eh ano ba tanggalin mo nga yung kamay mo!"ako

"ayoko nga"jaspher, then huminto sya at syempre nahinto din ako kasi sya ang may hawak ng payong

"hoy ano ba! bakit ka huminto?"sabi ko at hinarap ko sya sakto naman humarap din sya sakin,at dahil malapit kami sa isa't isa,nararamdaman ko yung paghinga nya..

mauulet na naman ba? hala! ano bang dapat kong gawin >///<

"bakit namumula ka?"jaspher

ang bango ng hininga nya.. erase.erase! aish! ano ba tong sinasabi ko?!!

"a-ako na-namumula? h-hindi ah!"ako

"nauutal ka?"jaspher

"pakelam mo!"ako

"okay, tara na nga"jaspher

"sabing tanggalin mo yang kamay mo eh!"ako

"easy ka lang, kaya lang naman ako nakaakbay sayo para di ka mabasa, kaya wag ka ng mag isip ng iba dyan"jaspher

"basta tang---ARGHH! ANO BA?!!!"ako

"hahahaha sorry di ko sinasadya"jaspher

"asar ka! di daw! nabasa tuloy ako!"ako

The Former Nerd DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon