*Ikalawang Kabanata*
_Vincent's POV_
matapos ng Bar Hopping namin ni Dancel, ay saka na naming napagdesisyonang umuwi pabalik sa Makati, malayo-layong biyahe ito, sya mag-d'drive ng kotse ko. pero bago pa man kami maka-alis ng tuloyan, dahil sa buseeet na traffic ay may nakita akong isang pamilyar na lalake sa isang bus stop, sya yun! yung lalake kanina, nag-iisa lang sya. psh! mahirap nga. walang sariling sasakyan at sa ganitong oras pa ng hating gabi ang uwi?! taga san ba kasi ang kumag na 'to? infairness ah?! gwapo namang talaga! at sa pananamit nya palang,mukhang mayaman naman sya? maporma e oh?! pero, paki-alam ko ba? psh!
*Kablag*
dO___Ob
may matandang babae na dumaan, natisod ito at nadapa kaya nabitiwan ang mga paninda nya, at itong kumag na tisoy na gwapo na ito, ay walang ka-ato-atubiling tinulungan si Lola, ibinaba ko ng konti yung window ng Car ko para marinig ang usapan nila.
"ay... Lola, mag-iingat po kayo, tulongan ko na ho kayo." nakangiting usal pa nito sa matanda.
"ay nako, salamat hijo, salamat, matanda na kasi kaya mahina na ang tuhod ko.haha" biro pa kunwari ni Lola, natawa naman silang pareho, habang isa-isang pinupulot ang mga panindang natapon.
"kaya nga po lola, bakit po hindi nalang kayo magpahinga at hayaan nalang ang mga anak nyo ang bumuhay sayo?" nakangiting usal ulit ni tisoy sa matanda at sinuklian naman sya ni Lola ng malungkot na ngiti.
"may mga asawa na ang mga anak ko, at bibihira lang sila kung bumisita saakin, hijo, kaya sa ngayon, hanggat maaari at kaya ko pa naman, ako nalang muna ang bubuhay sa sarili ko, saka ko nalang i-aasa sakanila ang libing ko. haha " biro pa ni lola sakanya. binigyan nya lang si Lola ng inosenteng ngiti.
dO_Ob
'shhht! ang gwapo nya pala talaga at satwing ngingiti sya ay mas malala! fuuuta talaga!'
d>_<b
"ahh! Lola, tanggapin nyo nalang po itong maliit na halagang meron ako, pag-pasensyahan nyo na po ah? yan lang ang kaya ko." at mas naguilty pa ako ngayon dahil sa mabait na asal na ipinakita nya sa matanda, sa simpleng pagtulong nito at saka sa pagbigay ng sarili nyang pera rito. nginitian nya ulit si lola habang hawak nito ang isang kamay at nakapatong pa don ang isa nyang kamay kung saan nya inilagay ang pera.
"nako, hijo, wag na nako! nakakahiya naman,. saiyo iyan" pag-dadahilan ni lola.
"haha! ayos lang po,meron pa naman akong maliit na kinita sa trabaho ko kahapon. wag po kayong mag-alala ang sobra po yan sa kinita ko. tip yan saakin kanina." pag-pupumilit nya sa matanda upang tanggapin ito.
"eh... kung mapilit ka talaga, e salamat hijo, salamat talaga, hulog ka ng langit saakin, pagpalain ka sana." uugod-ugod na dagdag ni lola dala na ng katandaan.