“Ace hindi ka na ba talaga magbabago? Susko naman ace mahiya ka naman sa nanay. Nakukunsumi na naman tuloy yun matanda dahil sayo.”
Ganun nalang lagi paulit-ulit sya kesyo kaylan daw ako magbabago,kelan daw ba ko magtitino,kaylan ko daw ba aayusin ang buhay ko, haay nako, nakakasawa rin, yun at yun din, ang ginagawa ko nalang di ko sila pinapansin. Nakakainis na din kasi lalo na si ate kung magpayo akala mo kung sinong perpekto. Siya na nga lagi ang tama sa mata ng lahat eh. May mga oras din naman na gusto kong maging kagaya nya balang araw. Kaya lang mas madalas yun mga panahon na nabuburyong ako sa kanya nang dahil sa paulit-ulit nyang lintanya. Madalas din naman nya akong ipagtanggol sa nanay, minsan nga nasampal na sya ng nanay dala ng pagsagot nya dito ng dahil sakin. Nahuli kasi ko ng nanay na naninigarilyo tapos ayaw naman maniwala ng ate kaya ayun nag away sila. Guilty ako nun. Sa totoo lang ng dahil dun ginusto ko ring magbago na, kaso lang nung mga sumunod na araw balik na naman sya sa dati yung mga lintanya nya kaya nagbago tuloy ang isip ko. Balik ako sa bisyo inom sa madaling araw, magka-cutting sa eskwela kasama ang barkada at kung anu ano pang kalokohan. Si ate naman walang kasawa-sawa paulit-ulit sya sa kakasaway. Minsan naaawa na din ako sa kanya kaso mahirap na din kasing iwasan yun mga bagay na nakagawian ko na, lalo na ang barkada. Ang haba rin naman kasi ng pasensya ng ate ko biruin mo mula pagkabata hanggang sa pag tanda ko wala syang kadala-dala kahit pa wala naman syang napapala sa pagmamalasakit nya sakin.
Sarap na sarap ako sa paghitit buga ng sigarilyo ng biglang lumitaw si ate gulat na gulat sya ng makita ang usok na nagmumula sa bibig ko. Nabigla rin ako lalo ng mabilis na tumulo ang kung anong likido sa mga mata nya. Nakita ko ang awa, paghihirap, lungkot, pagkalito at pagtatanong. Hindi ko malaman kung anong gusto kong gawin ng mga oras na yun. Para kasing napakadrama naman nya para iyakan ultimo paninigarilyo ko. Dinaig ko pa ata ang pumatay ng tao sa reaksyon nya. Sinubukan kong lapitan sya pero bigla nalang din syang umalis. Naisip ko baka naman mamaya pag uwi ok na din sya. At parang walang nangyari ipinagpatuloy ko ang pagyoyosi ko.
Pag-uwi ko ng gabing yun naabutan kong gising si ate, bihira kasi yun madalas pagod ito sa trabaho kaya lagi itong nagbabawi ng tulog. Kaya lang ang malala wala akong narinig mula sa kanya. Walang ingay walang sermon walang lintanya. Nanibago ako. Naghanda pa naman ako sa mga pamatay nyang litanya bago ako umuwi. Nasayang lang ang nilagay kong bulak sa tenga ko na pampabawas impact sa talak ni ate.
"Ate anong ulam??" nagawa ko pang itanong pero hindi manlang sumagot si ate ni hindi tumingin.
"Ate!" sigaw ko ng maubusan na ako ng pasensya.
“Ano ba ace !! Hindi mo pa rin ba alam kung pano kalingain ang sarili mo ?? When will you ever grow up ??"
Napanganga ko, hindi makahuma. Hindi ko alam kung tama ba ako ng rinig.
Si ate nag english? Wow level up!
"Ano ate??" nagawa ko pang ipaulit sa kanya. Laughtrip ako eh.
"Ace buong buhay ko naniwala ako sa yo dba nga magkakampi tayo. Ipinagtatanggol kita sa nanay halos araw araw. Kulang pa ba ace? Kulang pa ba na naniniwala ako sayo? Hindi mo ba alam yun salitang hangganan o ung sagad na sagad na? Pwes kung alam mo, yun mismo ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko nang maniwala sayo ace."
Natulala ako sandali ..
Hmp! Pinaulit ko lang naman sa kanya yun english eh. Ang dami na naman nyang sinabi. At nakita ko na naman syang umiyak. Napakahirap intindihin ng mga nangyayari ng mga panahon na yun. Minsan nakakasakal din kasi yun sobrang pagmamahal nya sakin. Hindi ko alam sa sarili ko na ang pinaka-kahinaan ko pala ay yung makita syang umiyak natataranta ko oo pero napakabata pa ng isip ko para malaman ang salitang patawad. Para malaman kung yun nga ba ang kailangan kong sabihin para mapagaan ang sitwasyon. Ayokong seryosohin ang mga sinabi nya pero tumimo sa isip ko ang katotohanan na sa lahat naman ng kapalpakan ko sa buhay lagi naman nya kong sinusuportahan at hindi sya tumigil na maniwala sakin. Ewan ko ba! Naguguluhan ako kaya dating gawi. Lumabas ako ng bahay.