ANESTHESIA By:AML

29 0 0
                                        


Ramdam mo ba ako?

Sabihin mo

Yung tipong

Kahit masakit na

Kahit nahihirapan na

Kahit nakakadurog na

Kahit nakakapagod na

Kahit ang bigat bigat na

Kahit nakakasawa na

Kahit paulit-ulit nalang

Kahit ayaw na, sige lang

Sabihin mo

Ramdam mo ba ako?

Masaya

Masaya ka kahapon

Masaya ka ngayon

Masaya ka bukas

Di ba pwedeng masaya nalang lagi?

Nakakalungkot

Nakakalungkot na masaya ka

Nakakalungkot na lumalaban ka

Nakakalungkot na nananatili ka

Nakakalungkot na kumakapit ka

Nakakalungkot na naniniwala ka

Nakakalungkot na, tama na

Sabihin mo

Ramdam mo ba ako?

Sana hindi

Sana hindi ko siya nakilala

Sana hindi ko siya pinansin

Sana hindi ko siya ipinaglaban

Sana hindi ko siya sinaktan

Sana hindi ko siya pinaasa

Sana hindi ko siya iniwan

Sana hindi ko siya sinukuan

Marami pang sana pero tama na

Sabihin mo

Ramdam mo ba ako?

Maaring hindi

Maaring hindi kasi sanay ka na

Oo, sanay ka na

Na kahit paulit-ulit nalang

Na sa sobrang sakit ng nararamdaman

Wala ka ng maramdaman

Sige saktan moko

Sanay naman nako

Wala na akong maramdaman na kahit ano

Sabihin mo

Ramdam mo ba ako?

Thoughts I Want To ShareStories to obsess over. Discover now