TAMA BANG PAGTAWANAN KA?

7 0 0
                                    

Tama Bang Pagtawanan Ka?

Tama bang pagtawanan ang iba?
Tama bang kutyain ang kahinaang taglay nila?
Hindi ba't baka tayo'y sobra na?
Baka tayo'y nakakasakit na?
Mga salitang animo'y tabak
Nambubuwak ng pag-asang dati'y kay tatag
Mga tawang animo'y baril
Na sa pandinig nila'y bangungot na dumarating.

Tama bang tayo'y kanilang pagtawanan?
Ano nga bang karapatan nilang mangutya at magsalita ng masama tungkol sa atin?
Ngunit ano rin ba ang karapatan natin upang ito'y gawin sakanila?
Hindi ba't wala?
Hindi ba nila alam na minsan sila'y nakakasakit na?
Hindi ba nila alam na ang salita nila'y parang panaksak?
na ang tawa nila ay baril sa pandinig?
Hindi nila alam!
Hindi nila alam!

Hindi ba't dapat sana ay lahat tayo'y masayang tumatawa?
Na dapat ang lahat ay maligaya?
Hindi dapat pagtawanan ang mali niya, o ang mali mo.
Dahil nilikha tayong tao at hindi mga payaso
Nilikha tayo para magkaisa
Hindi para mahati sa grupo na mananakit ng isa't-isa

Nakakatawa nga ba ang kapintasan ng iba?
O ang kapintasan mong di naman sinasadya?
Di ba't sa atin ay iisa lang ang lumikha?
Di ba't sa atin ang Diyos ang may gawa?
Bakit di nalang tayo magkaisa?
Di ba't lahat naman tayo ay anak Niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

mrsmdml's collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon