PAYO

2 1 0
                                    

Kamusta ka na?
Nasasaktan ka pa din ba?
Buti nga at naranasan mong masaktan
Nalaman mong hindi porke umibig ka ng totoo eh hindi ka na iiwan

Nalaman mong hindi sapat ang salitang "mahal kita"
Para marating ang "walang hanggan" na sinasabi niya
Nalaman mong hindi sapat yong hatid sundo ka niya
O hatid sundot ka pa
Para makuntento siya sayo at lumigaya

Nalaman mong hindi porke matagal na kayo ay mahihirapan na siyang bumitaw
Na kumpiyansa ka na hindi siya mag-iiba kung may lalaki o babae mang lumitaw
Ngunit nagkamali ka ng akala at nagkamali ng tantsa
Mali, nagkamali ka lang talaga sa kanya

Kaya heto ang payo ko sayo...

Huwag kang iibig ng basta basta
Hindi poke may dumadalaw na malakuryenteng kilig ay sapat na
Huwag kang magpapahulog sa matatamis na ngiti o sa mabulaklak na salita
Dahil hindi mo mapanghahawakan ang mga bagay na hindi mo nakikita

Huwag kang magpapaakit sa tsokolate o mga bulaklak niyang dala
Dahil minsan, tamis at bulaklak mo lang din ang gusto niya
Huwag kang magpapaalipin sa panandaliang saya
Dahil sa bandang huli alam mo din namang lugi ka


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon