S I X

1.4K 59 8
                                    

H O S E O K

"Waaaaa!", sigaw ni Seulgi.

Nanunuod kasi kami ng horror film. Eh itong si Sseulgi, matakutin kaya ayun, todo yakap sakin. Naks. Gwapo ko talaga.

"Ayan. Ang galing. Katatapos lang lumandi kay Jimin, kay Hoseok nanaman ngayon", narinig kong bulong ni Momo na nasa likuran ko ngayon. Bigla nalang siyang tumayo at nagwalk-out.

Nagseselos ba siya? Omg.

"Tingnan mo to si Jhope hyung, parang baliw. Hihi" bulong ni Kookie kay Taehyung. Aba!

"Oo nga! Ngumingite ng mag isa. Hihi", bulong pabalik ni Taehyung.

"Parang baliw lang", tawa ni Jungkook.

"Hindi siya mukhang baliw, kook. Baliw na talaga", napa-irap ako sa sinabi ni Taehyung. Hmp.

"Kung magbubulungan kayo, doon sa malayo. Hindi yung naririnig ko!", sigaw ko sa kanila.

"Sorry hyung", sagot nilang dalawa at binalik ang atensyon sa palabas.

Napa-iling ako at tumayo at nagpunta sa kitchen para mag hanap ng makakain. Nakita ko sa Momo na nakaupo sa stool malapit kitchen counter at may kausap sa telepono. Nagpunta nalang ako may ref at kumuha ng chips.

"Yes", masayang sagot niya sa kausap.

"Talaga?", tanong niya rito. "Okay"

"Bye!", tumawa siya. "HAHA! Love you too, ulol".

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pagkapatay niya ng tawag ay bumaling siya sa'kin at tiningnan ako ng masama.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?", nakataas ang kanang kilay niya.

"Wala", sagot ko at umalis ng kusina.

M O M O

//ring ring//

"Hello?", bati ko sa manager naming tumatawag.

[Hi Momo]

"Ay, hello po", sagot ko.

[Are you okay, Momo-ssi?]

"Yes", kunot-noo kong sagot.

[Malapit na daw kayong mag comeback, sabi ni JYP]

"Talaga?", 'di makapaniwala kong tanong. Finally!

[Punta kayo dito bukas ng gabi, kasama ang BTS ha?]

"Okay", masaya kong sagot sa kaniya.

[Bye. Love you as a friend, Momo. HAHA!]

"Bye. HAHA! Love you too, ulol", sagot ko bago pinatay ang tawag.

Pinatay ko na ang tawag at pabalik na sana sa sala nang makita ko si Hoseok sa likuran na kumukuha ng snacks. Nakatingin siya sa akin. Kanina pa ba siya dyan? Narinig niya ba ang sinabi ko kanina? Sht.

T A E H Y U N G

"WAAA!"

"AAAAAAA!"

"WAAAAAAA! NOOOOO!", sunod-sunod na tili ni Irene na siyang nakaupo sa tabi ko.

"Ang ingay", reklamo ni Dahyun.

"Pagpasensyahan mo na siya", sabi naman ni Joy.

Buong atensyon namin ay nasa palabas na pinapanuod. Sabay-sabay kaming napatili sa takot nang biglang sumulpot si Momo.

"Guys! Malapit na raw tayong mag-comeback!", biglang sigaw ni Momo na ikinatahimik ng Red Velvet. What? Magc-comeback na sila? Waaa!

"Talaga?!"

"Pumunta raw tayong lahat sa JYP Ent. Building bukas ng hapon", sabi ni Momo. "Except sa Red Velvet", masungit niyang sabi. Napa-irap naman sina Irene.

"Mabuti naman at hapon tayo papupuntahin dun, umaga kasi dadating sina Taeyong oppa e", sabi ni Dahyun, napa-irap naman ako. Sino ba kasi ang Taeyong na 'yan, ha?

"Duh! Para namang may pakealam kami", malamig na sabi ni Yoongi-hyung. Kaya nga.

"Wala naman kaming sinabing makialam kayo", mataray na sagot ni Nayeon. bOom.

"Kalma guys, kalma", awat ni Jimin hyung.

"Pano kami kakalma kung palagi naming makikita ang pagmumukha mo? Mukha mo nakaka-panic na", mataray na sagot ni Momo. Antaray talaga ng babaeng to, daig pa ang madrasta ni Cinderella.

"Don't you dare talk to my chim like that", anla, galet na si seulgi.

"Chim-chimin mo yang mukha mo!", sigaw ni Dahyun.

"Dahyun, ano ba!", awat ko naman dito. Magkakagulo na ata, jusmiyo marimar.

"You have no rights to shout at Dubu eonni!", sabat naman ni Chaeyoung-liit na halatang galit na galit.

"Shut up you little brat!", sigaw naman ni Yeri sa kaniya. Away na ituu.

"'Wag mo siyang mabrat-brat dyan ah! Sipain kaya kita?", sigang sabi ni Jeongyeon sa likuran.

"E kung ikaw ang sipain ko?", sagot naman ni Wendy. Para kaming nanonood ng sine dito, o.

"Tama na! Ano ba kayo? Ang tatanda niyo na, puro pa rin kayo away! Fighting and arguing over small things. Napaka-immature!", awat ni Tzuyu. Natahimik kaming lahat sa sinabi niya. Maya-maya ay bigla itong umalis at nagpunta sa silid nila.

"Wao, english"

"Anong nangyari dun?", tanong ni Jungkook.

"Well, ayaw niya kasi ng gulo. Mas lalong ayaw niyang napapasali kami sa gulo", sabi ni Nayeon. "Hindi naman talaga kami mapapa-away kung hindi dahil sa mga bruhildang 'to!".

"Excuse me-", hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa sana ni Irene.

"O ano? Part two?"

Living With Them『BangTwice FF』Where stories live. Discover now