3 years' kami naging mag on ni Jagger Dela Cruz
Yeah si jagger na pogi ang jowa ko, diba ang ganda ko kasi naging jowa ko ang isang Jagger Dela cruz na sikat sa school namin, yung tipong pag ngingiti siya malalaglag yung panty mo.
Yes, totoo yun mga bess hindi ko nga alam kung bakit ako nagustuhan ng pogi na yan.
Uy babe ang layo ng iniisip mo.
Naiinis lang ako babe kasi kung makatitig naman yung mga babae dito sa cafeteria, parang kakainin ako ng buhay.
Hayaan mon a sila babe ang importante ikaw ang girlfriend ko. (ngumiti siya sakin with labas pa dimple)
Oo na hindi ko na sila papansinin.
Halikan doon nalang tayo sa tambayan natin,
Nasa tambayan kami ngayon, kanina ko pa napapansin parang may inaabangan siya sa cellphone niya.
Babe bat parang kanina ka tahimik at lagi kang nakatingin sa cellphone mo.
Huh? wala babe hinihintay ko lang si mommy magtex may ipapautos siya sakin.
Ah ganon ba ok.
Babe alis na pala ako, nagtex na si mommy ingat ka sa pag uwi mo, sorry hindi na kita mahahatid.
Sige ok lang alis ka bye ingat ka.
Pag kasabi ko biglang nalang siya umalis, hindi na tulad ng dati si jagger, dati pag aalis siya
ikikiss niya ako sa noo, ngayon wala na kinakalimutan na niya.
Hay naku!! Baka tumatanda lang si babe kaya nakakalimutan niya wag kang paranoid schzelle.
Naglakad ako mag isa pauwi nakita ko si Verna naglalakad mag isa. Tumakbo ako sa direksyon niya at niyakap ko siya ng mahigpit, miss ko tong best friend ko.
BOOOOOYYY I MISS YOU (Sigaw ko sa kanya with yakap ng mahigpit)
Ano ba schzelle hindi ako makahinga!! (Galit na sabi niya)
Hala namiss lang naman kita.
Oo na namiss mo na ako, Ok na Ok na!!
Oo na Ok na pakiss mo na hehehehehehe :D
Baliw ka talaga Boy ayoko nga. (sabi ni verna)
San pala punta mo ngayon bat parang namumutla ka?
Huh? ako na mumutla?
Ay hindi, ako yung namumutla, sinabi ko naman sayo na ikaw diba. Bobo talaga nito pwde
gamitin yung utak boy.
Baliw ka talaga szchelle!! Wala to hindi kana nasanay..
Mailap yung mata ni verna hindi makatingin ng diretso sa akin, alam ko may problema na naman siguro to kaya ganyan.
Ahhhh sige sabi mo e.
Tara na nga punta na tayo sa room baka malate pa tayo. (Sabi niya)
Ok Dokie..
Naglalakad kami ngayon ni verna papunta sa klase namin, pag pasok pala namin sa room tinitignan na ko ng mga classmate ko.
Mga paepal talaga to sa buhay ko! Tsk mga inggit lang kasi sila kawawa naman.
Ito kami ngayon ni boy magkatabi sa upuan habang hinihintay yung prof namin na matandersss.
YOU ARE READING
"Kung Tayo Tayo Talaga"
Random"Love is blind ..." Love is patient..." Love is pag ibig while is Crush is paghanga." Love is hard to explain. Yung salitang "Kung tayo tayo talaga. Sa una ang hopeful pakinggan. Harmless kasi parang binibigyan ka ng pag asa. Pero ruthless kasi ayaw...