REGALO

48 1 1
                                    

ANG PASKO AY SUMAPIT

awit ng mga batang paslit

sa mga ibat ibang bahay lumalapit

para iparamdam ang paskong papalapit

Malamig na ihip ng hangin 

ang syang nagpapahiwatig

isama na ang mga ilaw na marikit

na sumasabay sa pang paskong himig

Mga bata at matanda lahat ay natutuwa

dahil sa kanilang regalong makukuha

sa mga medyas na nakasabit sa bintana

na kay santa claus daw magmumula

Pero di yata at nakalimutan na

kung bakit ang Pasko ay ating isineselebra?

kailangan pa ba sa atin na ito ay ipaalala?

na ang Pasko ay syang kaarawan ng may likha

Diwa ng Pasko ay damang dama ko

dahil sa mga regalong inaasam ko

pero tayo nga ba ang dapat umasa ng regalo?

bakit hindi ang may Likha ang bigyan natin ng regalo?

kahit munting regalo lang ang ihahandog ko

kahon kahon naman ng pagbabago ang laman nito

kalakip nito ang dasal at pagsusumamo para sa mundo

at pasasalamat sa biyayang araw araw na natanggap ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

REGALOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon