9

1.3K 26 5
                                    

Drake: hoy

Drake: hoy

Drake: hoy

Drake: hoy

Drake: 👍

Drake: 👍

Drake: 👍

Steffy: ano ba. Bat flood? 😒

Drake: okaaay kalaaang? 😊

Steffy: hindi at wala kang pakialam. Wag moko kausapin.

Drake: grabe ka namaaan 😭

Steffy: clingy mo.

Drake: hehehehehe sorry naaa

Hindi na ako nagreply at natulog nalang. Wala ako sa mood.

--------

School time na. Eto na. Andito ako sa hallway. Hindi ko pa nakikita si clifford. Absent ata. Sakit parin.

Nakita ko si drake. Agad ko naman siyang nilapitan.

"Drake!" Napatigil ako ng may nakita akong galos sa mukha niya. "Ano yan? Anong nangyari jan?" Turo ko sa sugat niya.

"Wala yan. Nasuntok ko sarili ko. Yun"

"Wow ha. Nakita mo si clifford?"

"Ay. Eh. Si. Si clifford? Wala. Ahm. Sige. Pasok nako steffy. Gagawa ako assignment. I mean kokopya pala. Bye" sabi niya sabay takbo. Mukhang nataranta ang loko.

Nakita ko naman sila penelope. Agad nila akong nilapitan.

"Steff bakit nagleft si cliff?"

"Ah? Ewan. Hehe"

"Ah ganun ba? Sige byee!" Sabi nila

Feeling ko napapaligiran ako ng mga multo. Dati rati. Kasama ko si clifford sa hallway. Ngayon. Nag iisa lang ako. Pakiramdam ko ang sama ko.

Hindi muna ako pumasok ngayon araw. Nag stay muna ako sa fire exit. Hinalungkat ko yung bag ko kasi wala akong magawa. May nakita akong papel sa bandang ilalim. Nacurious ako dahil ito ay nakakorteng puso. Binuksan ko ito at binasa.

Aking minamahal

Ako'y may pagtingin sayong lihim
Pag nakikita kita'y paligid ko'y dumidilim
Baka ako'y layuan mo pag sayo'y sasabihin
Pero ikaw Steffy Duran, iisa kong dinggin

Hindi ko magawang limutin ka
Kahit sa mga kilos mo'y ako'y nasasaktan na
Basta mahal kita titiisan ko na
Pero tinatanong ko sa aking sarili, kaya ko pa ba?

Sana ako'y mahalin mo
Andito lang ako, umaaligid sayo
Ngunit may mahal kang iba nakakagago
Wag ka mag alala pipilitin ko maghanap ng bago.

- 크리폴드

Naiiyak ako habang binabasa ang tulang ginawa sakin ni clifford mas lalo akong nasasamaan sa sarili ko. Nakahawak nalang ako sa tuhod ko dahil iyon nalang ang aking kalakasan. Habang nakayuko ako, may humablot sa papel na hawak hawak ko.

Si drake.

Binasa niya muna ng maigi. Nakakunot pa ang noo niya.

"Kwento mo sakin lahat" sabi ni drake. Hindi siya yung drake na nakikita ko.

"Si clifford kasi. Umamin sakin. Pero hindi ko siya gusto at naawa ako sakanya dahil ginagawa niya ang lahat magustuhan ko lang siya. Pero hindi ko nagawa. Ang manhid manhid ko. Dahil sa pagmamahal nawala ang pagkakaibigan naming dalawa" sabi ko habang umiiyak. Niyakap ako ni drake

"Nandito lang ako" sabi niya habang niyayakap ako.

Sa hindi ko inaasahang panahon mangyayari to.

Hinalikan ako ni drake at nagpahalik ako sa kanya.

Siguro dala na ng pag iyak ko nawala na kami sa sarili. Nakatulog kaming dalawa habang ako'y nakahiga sa hita niya. Matagal din kaming nakatulog.

-----

Nagising na kaming dalawa. Medyo wala pa kaming maalala.

"Uwi na tayo" sabi niya. Ako na tumayo para buksan ang pinto. Hindi ko ito mabuksan. "Hindi ko mabuksan. Ikaw nga."

Tinry niya naman buksan at hindi niya rin mabuksan. Napasipa na lang siya sa pintuan.

"Nalock tayo dito" sabi niya.

"Ano?! Hindi pwede! Ma! Ma! Tuloong tulonggg!" Sigaw ko

"Kahit anong isigaw mo wala ng tao dito kundi tayo lang"

Nagpapanic na ako sa sinabi niya. Tinatry ko tawagan sila mama at iba kong kaibigan kaso walang signal. Napaupo na lang ako sa kawalan ng pag asa.

"Dito nalang tayo matutulog?" Sabi ko habang labag sa aking kalooban.

"Obviously"

"Ah. Nga pala. Bat mo ginawa?" Tanong ko.

"Anong ginawa ko?" Pagtataka ni drake. Mukhang hindi ata niya naaalala

"Yung mwa" sabi ko.

"Huh? Anong mwa?"

"Bakit moko hinalikan kanina?"

-------

A/N: helloooooOoOooo team cliffy o team draffy?!?!

Ang nabuntis kong pangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon