" anu // sinu // " (kaming dalawa)
anu bayan sabay nalang kami lagi mag salita..pwede ako muna..ang gulo ee hindi tayo nagkaka intindihan niyan..
"kilala mo siya??" (kaming dalawa)
nag katinginan nanaman kaming dalawa sabay nanaman kasi kaming nag tanung ee..naman ee
"anu.....hgfhgrjkr"
hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi tinakpan niya yung bibig ko...
"pwede ako muna..ang ingay ng bibig mo..putak ng putak..bungangera ka talaga..."
"ee ikaw tong sabat ng sabat ee..ako yung nag tatanung tapos ginagaya mo rin yung sinasabi ko.."
"ok!! ok!! para walang away pareho na tayung mali..kaya pwede itikom mo muna yang bibig mo.."
"oo na po mr. yabang.."
nakaka inis talaga siya..ang yabang..
"ako muna yung mag tatanung pwede..??"---sabat pa niya
"oo na..ikaw na.."
"anu mo yung lalaking kasama ni andria..??"
"andria so andria pala yung pangalan nung babaeng yun...alam mo hjhgffsgh"
hindi ko nanaman na tapos yung sasabihin ko kasi hinawakan nanaman niya yung bibig ko....kanina pa siya ahhh..nakakainis na talaga..
tinanggal na niya yung kamay niya...
"ayan nanaman yang bunganga mo..bungangera ka talaga..ang sabi ko kung anu mo yung lalaking yun..sagutin mo nalang ng matino..ang dami mong satsat eee."
" si kalvin..boyfriend ko..anu masaya kana..?? pwede ako naman yung mag tanung....??"
"boyfriend mo siya??"
tanung niya ulit..ayy ang tanga naman nito.kakasabi ko lang ee..ayaw maniwala..!!
"ayyy hindi girlfriend ko siguro...tanga tangahan lang tayo dito.."
"mukha nga...ewan ko sayo ang gulo mo kausap.."
"ikaw nga tong magulo ee..kakasabi ko lang na boyfriend ko siya..itatanung pa ulit....kailangan paulit ulit tayi dito..??"
"tsk"--yan yung sinagot niya..ang haba ahhh...
"ako naman yung mag tatanung ahhh,,,anu mo naman yung malanding babaeng yun ahh..at kapit ng kapit sa boyfie ko.."
sumimangot yung mukha niya..problema?? may mali ba sa sinabi ko..totoo naman ee kung maka kapit kala mo naman mawawa si kalvin..
"wala kang karapatan sabihan ng girlfriend ko ng malandi ahh.."
anu daw..girlfriend...
"girlfriend mo siya.. ??"----tanung ko ulit..
"ayy hindi boyfriend ko siya.."
ayy ang ganda..barahan kami ngayon..bakit pag kami nag uusap..hindi matino..walang patutunguhan ee..nakakaloka ahhh..
"may problema po ba??"
parehas kaming napatingin sa likod namin..bigla nalang kasing may nag salita ee..hindi kami sumagot sa tanung niya..
"kukuha po ba kayo ng kwarto dito..."