-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o
After 5 months
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o
Thalia's POV
Andito ako ngayon, nagre-ready sa kwarto.
Naglalagay ng make-up at konting ka-ekekan sa mukha.
Nagbihis na ako ng isang simple pink dress at blue heels.
Alam kong naghihintay na silang lahat
Binuksan ko yung pintuan sa may balcony ng kwarto ko at nakita ko silang lahat nagsasaya.
Lumapit sakin si Mateo at niyakap ako mula sa likod paharap sa may waist.
Pinagmasdan ko sila habang naghahanda sila para sa aming picnic.
Lahat ng inimbitahan namin eh dumalo.
Nakita ko na masaya na silang lahat.
Si Viviana De Silva, masaya na at nakikita kong unti-unti nang nagsi-sink in sa kanya na wala na talaga si papa. She is a strong woman. Unti-unti na uli siyang bumabangon. Ngayon,she's holding up at unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni papa. x)
Sina Kyle at Mikaela De Silva, sila na ang tumatayong mga magulang namin since humihina na si mama at tanggap na nilang wala na si papa. Kahit na may mga asawa at anak na yang mga yan, hindi pa rin nila kami nakakalimutan. Ngayon, happy sila sa kanilang mga buhay. Mas tutok sa sariling pamilya pero lagi pa rin naman kaming dinadalaw at hindi nakakalimot. :)
Sina Joseph at Georeen De Silva, okay na. Nag-sink in na rin sa kanila na wala na si papa. At matatanda naman na sila kaya naiintindihan na nila. Nakakapag-adjust na rin sila. Tumatanda na silang dalawa at nagkakaroon na ng sariling mga buhay. Ngayon, mas gusto na ang mga kaibigan at ka-ibigan pero hindi naman nakakalimot sa pamilya at ng mga manners nila. x)
Si Manolo Lee, tanggap na rin na wala na si tita Cecilia at siya na lang mag-isa ang magtataguyod sa pamilya niya. Pero siyempre hindi yun papayagan ni Mateo. Since tumatanda na si tito, kailangan eh tulungan na ni Mateo si tito Manolo para maitaguyod sina Christine at Mark. Ngayon, kahit konti eh, naka-adjust na si tito at sumasaya na muli siya. :)
Sina Christine at Mark Lee, kahit papano tanggap na rin nila na wala na ang mama nila. Pero they still stay positive and always try to just smile and laugh. I know na nahihirapan pa silang mag move-on sa pagkawala ng kanilang mother pero hindi naman nila tinuturing na total loss kasi andyan pa naman si kuya Mateo at papa nila. So ngayon, kahit papano, sumisigla na uli sila at nagiging bibo na uli. x)
Sina Redd, John, at Nicholas Evangelista naman ay wala nang mga magulang. Ulilang lubos na with their ate Tasha. Pero sinisikap naman nilang mabuhay ng mag-isa. Nang walang tulong mula sa kahit sino. They are holding up. Nagtutulong-tulong sila para mapatapos ng pag-aaral si Nicholas. Ngayon, kahit papano, you will see na they are happy kahit na wala silang mga magulang kasi alam nila na, sa kanilang 4 na magkakapatid, walang iwanan, walang kalimutan. :)
Si Cristobal Lustico, ayun, napatawad na si Tasha. Tanggap niya na rin na dahil nangyari yun sa anak niya eh, dahil din sa sariling kagagawan ni Calvin. Hindi niya na sinisisi si Tasha at ang sarili niya kung bakit nangyari kay Calvin iyon. Ngayon, mas pinapahalagahan niya na ang kanyang natitirang mga anak at tinutulungan silang bumuti uli ang buhay nila. x)
Sina Allyne, Gwendollyn at Trixie Lustico, ayun, bumabangon na rin. At first, hindi sila makapaniwala na wala na si Calvin. Umabot pa nga sa point na talagang nagtanim sila ng matinding galit kay Tasha at kinasuhan pa siya. Pero, after giving them time, counceling, and understanding their feelings, they accepted the fact na wala na talaga si Calvin. Ngayon, nagtutulong-tulong sila kasama si tito Cris para bumalik sa dati ang buhay nila. :)
BINABASA MO ANG
Love Counselor {COMPLETED!}
RomanceWell, isa itong kwento about a girl na galit sa pag-ibig! Paano kaya mapapabago nang isang kaaway ang paningin niya dito??? Continue reading to find out!!! Advance Thank You sa mga babasa, boboto, magtw-tweet, magla-like, magshe-share, magpro-promo...