Chapter 15

196 9 6
                                    

Patricia's POV

Umaga na ulit guyssss!!!

It's December 7 by the way para lang mainform kayo.

Start na ng second week namin dito.

" Uyyy Pat, sa tingin mo nasaan kaya sila Jheliane ano? " rinig kong tanong ni Lian.

Sya pala ang kasama ko ngayon sa kwarto.

" Hindi ko alam e. Pero may kutob ako na may masamang mangyayari. " tugon ko ng may nagaalalang itsura sa aking mukha.

Wala na akong ideya kung makakalabas pa kami dito ng buhay.

" Pat!!! Halina na kayo! Kakain na!! " rinig kong sigaw mula sa labas ng pinto.

" Susunod na!!! " tugon ko.

At nagayos na kami ng pinaghigaan tsaka bumaba na sa hapag kainan para magumagahan.

Nang makarating kami duon ay nagdasal,at kumain.

" So, ano na ang gagawin natin ngayon? " tanong ni Casey na aming sekretarya sa silid aralan.

May punto sya, ano na ang gagawin namin kung ngayon ay marami na sa amin ang nawawala?

Nakita ko ang seryosong mukha ni Ate Sandra, at ang nanginginig na mga kamay ni Ate Casey.

Ano bang meron?

" May gusto ba kayong sabihin? " lakas loob kong wika.

Kahit ako ay kinakabahan.

Dahil ngayon ko na lang ulit nasilayan ang ganyang ugali o katangian na meron ang dalawa.

Sigurado ako na may alam sila patungkol sa mga nawawala naming kasama ngayon.

" Alam ko na lahat. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa inyo dahil mangangnib lamang ang buhay natin. Isa lang ang maibabahagi ko, si Jheliane na ang susunod na biktima " paliwanag ni Ate Casey.

Sinasabi ko na nga ba at tama ang aking hinala!

Ngunit bakit hindi nya maaring ibahagi ang kanyang nalalaman?

Hindi ko pa nakikita o nararamdaman sa katauhan ni Casey ang pagaalinlangan na magsabi sa amin ng kahit na ano na alam nya bukod lang ngayon.

Lahat naman ng bagay may tamang panahon para maranasan at malaman hindi ba?

Agad akong tumayo at naglakad pabalik sa aking silid.

" AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!! " nabigla ako sa kinahatnan ng kwarto ko.

Mga gamit na punit punit, ang mga papel na ginamit ko para sa paghahanap ng mga bakas sa nakaraang krimen na naganap.

Ang kama ko ay gulo gulo at sira sira ang mga punda ng unan na naging dahilan para magkalat ang mga balahibo na ipinalaman sa unan.

" Anong~ Oh my god! " napatakip ng bibig si Lian sa kanyang nasilayan.

Kahit naman sino ay hindi magagawa ito sa amin dahil nasa ibaba kami lahat kanina at naguusap usap.

Ako rin naman ang naunang lumisan sa hapag.

" Pat~ Look " tawag sa akin ni Lian.

Agad naman akong pumanik sa lugar kung nasaan sya.

Tila umurong ang aking dila sa nasilayan na litrato ng aking pamilya na sira sira at punit punit na.

Halos maluha luha ako sa aking nakita.

Ito na lamang ang natitirang alaala ko sa aking pamilya habang nasa malayo ako.

Agad ko ring napansin ang maliit na papel na nakatiklop sa gilid ng mga pira pirasong larawan.

The Mansion [ COMPLETED] #CBC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon