Ako ay laging nasa tabi mo..
Noon pa man.. Naalala ko pa.
Matapos ang masasayang oras..
Hindi maiwasang magtatalon sa saya
Dahil.. Naiisip ko na..
Kailangan mo pala 'ko.Hmm... Kailangan..
Para sa kin.. Isa iyong mahiwagang salita
Dahil dito.. Nabubuo ang salitang kaibigan.
Kaibigan. Ang salitang ako lang ang nagdedeklara sa ating dalawaHindi ako bulag.. Hindi ako bingi, at hindi din ako manhid..
Nakikita ko kung pano mo ko itanggi sa harap ng maraming tao,
Naririnig ko kung papano mo ko itanggi sa harap ng maraming tao
At nararamdaman ko kung papano mo ko itanggi sa harap ng maraming tao.Kita. Rinig. At ramdam ko.
Dahil masakit.At nang dumating na ko sa dulo ng buhay ko..
Nagpantasya ako na dadating ka at dadamayan ako.
Pero isa iyong kahangalan.
Kahangalan dahil nandito na ko sa huling hantungan ko di ko nasilayan ang iyong maamong mukha.
Sayang. Nakakapanghinayang..Lumipas ang maraming araw.
At sobrang nagalak ako nun.
Nung nakita kitang papalapit sa king puntod.. Kontento na ko.Ngunit ang masayang ako ay lumungkot.
Lumungkot dahil nakita kitang tumatangis..Tumatangis ka habang binabahagi mo sa kin kung bakit ka dumistansya.
Dumistansya ka dahil may salitang mahal na natakot kang maramdaman iyon sa akin.
Dumistansya ka dahil ayaw mong maramdaman ulit ang salitang maiwan.
Dumistansya ka dahil.. Ang salitang pagmamahal sa kin ay nararamdaman mo.
Sa kabila ng kamatayan ko.. Nagalak ako dahil minahal mo ako.
Nais kong magpaalam.. Sa iyo aking tunay na kaibigan..
At ngayo'y napagtanto.. Minamahal din kita.. Paalam.
R.I.P.
Maria Savelina E. Rivera
OCTOBER 9, 1993- APRIL 16, 2016
In loving memories of family Rivera and Family Evardome
Died in Brain Cancer Stage 2
YOU ARE READING
PAALAM
Short StorySa mundo.. May namamatay at may bumabalik May namamatay dahil alam naman nating lahat na ang buhay natin ay hiram lang natin sa may kapal may bumabalik dahil may salitang 'closure' na dapat ay maayos.. At may bumabalik dahil may gustong sabihin sa...