PAALAM

12 0 0
                                    


Ako ay laging nasa tabi mo..
Noon pa man.. Naalala ko pa.
Matapos ang masasayang oras..
Hindi maiwasang magtatalon sa saya
Dahil..  Naiisip ko na..
Kailangan mo pala 'ko.

Hmm... Kailangan..                                   

Para sa kin..  Isa iyong mahiwagang salita
Dahil dito..  Nabubuo ang salitang kaibigan.
Kaibigan. Ang salitang ako lang ang nagdedeklara sa ating dalawa

Hindi ako bulag.. Hindi ako bingi, at hindi din ako manhid..

Nakikita ko kung pano mo ko itanggi sa harap ng maraming tao,
Naririnig ko kung papano mo ko itanggi sa harap ng maraming tao
At nararamdaman ko kung papano mo ko itanggi sa harap ng maraming tao.

Kita.  Rinig.  At ramdam ko.
Dahil masakit.

At nang dumating na ko sa dulo ng buhay ko..
Nagpantasya ako na dadating ka at dadamayan ako.
Pero isa iyong kahangalan.
Kahangalan dahil nandito na ko sa huling hantungan ko di ko nasilayan ang iyong maamong mukha.
Sayang.  Nakakapanghinayang..

Lumipas ang maraming araw.
At sobrang nagalak ako nun.
Nung nakita kitang papalapit sa king puntod..  Kontento na ko. 

Ngunit ang masayang ako ay lumungkot.
Lumungkot dahil nakita kitang tumatangis..

Tumatangis ka habang binabahagi mo sa kin kung bakit ka dumistansya.

Dumistansya ka dahil may salitang mahal na natakot kang maramdaman iyon sa akin.

Dumistansya ka dahil ayaw mong maramdaman ulit ang salitang maiwan.

Dumistansya ka dahil.. Ang salitang pagmamahal sa kin ay nararamdaman mo.

Sa kabila ng kamatayan ko.. Nagalak ako dahil minahal mo ako.

Nais kong magpaalam.. Sa iyo aking tunay na kaibigan..

At ngayo'y napagtanto..  Minamahal din kita..  Paalam.

R.I.P.

Maria Savelina E. Rivera

OCTOBER 9, 1993- APRIL 16, 2016

In loving memories of family Rivera and Family Evardome

Died in Brain Cancer Stage 2

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAALAMWhere stories live. Discover now