Andito ako ngayon sa bahay sobrang ingay dahil nandito nanaman ang nanay ko whooh.
Ano ba naman yan kada uuwi na lang ako sobrang gulo ng bahay, ang iingay nyo.
Nakaka monggi lang yung nanay ko, sinasabi nyang maingay at magulo kami samntalang sya naman yun tsk. Hay buhay! Umakyat na ako sa taas at nahiga sa kama ko malapit na naman magpasukan at finally grade 10 na ako. Tumayo ako at sumilip sa bintana, hay sarap damhin ng hangin ang aliwalas ng ulap, mapayapa at hindi nakakasawa tignan sana ganyan na lang lagi ang nakikita ko para hindi ako naiistress sa bahay dahil ang ingay ni nanay.
TOK TOK TOK TOK...
Hoy ate bumaba ka na dyan kakain na tayo. Bilisan mo baka mapagalitan na naman tayo tsk. Padabog na umalis yung kapatid ko at bumaba na. Aba sya pa may ganang magdabog sa ate nya?! Nako nako nako
Bumaba na ako at sumabay na kela nanay at tatay kumain. Sya nga pala papakilala ko sainyo kung sino ang nanay ko, Ailene madrigal ang pangalan ng nanay ko Mabunganga sya Oo pero sobrang mapagmahal at maalaga naman sya samin magkakapatid. At Rommel madrigal naman ang pangalan ng tatay ko Mabait,maintindihin,Masipag at wala kang masasabi sa pagmamahal nya.
Maingay kami oo, pero etong pamilya ko ang nagbibigay inspirasyon ko sa araw araw. Napaka swerte ko nga dahil sa dami ng pamilya'ng pwedeng ibigay sakin ng diyos ay sila pa ang napuntahan ko.Makalipas ang ilang minuto lumabas na ako at naglakad-lakad para bumaba yung kinain ko. Hawak ko yung cellphone ko at nagpapatugtog ako ng Dive ni ed sheeran.
Maya-maya lang may nakita akong nakabike na lalaki Matangkad,Maputi,
Matangos ang ilong, mamula mula ang labi at higit sa lahat jusq be Ideal boyfriend na ideal boyfriend ko to huhu hahaha.Nagpapansin ako dun kay kuya'ng pogi at ano nga ba ang ginagawa ko ngayon?
Sinusundan ko sya kahet napakabilis nya magbike aha! Desidido ata to? Minsan na lang ako makakita ng nmaahalin ko papakawalan ko pa NO NO NO WAY. Maya maya lumiko si kuyang pogi at tungeeeeekkkkkkkk.Nabunggo si aqoeh masakit be huhu. Eto na ba ang napapala ng desidido? Gusto ko lang naman na mapansin nya ako! Huhuhuhu
Miss okay ka lang?nasaktan ka ba? Pasensya na ah hindi ko sinasadya, di ko kase alam na may tao at ambilis pa ng pagpapa--
Di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at nag thumbs up na ako sakanya sabay ngiti ng nanggagayuma.
Okay lang ako kuya hehe:) sabi ko sakanya at wow gulay nagulat na lang ako ng nginitian nya ako erh erh pugi😍
Sige ingat ka miss, pasensya na ulit:) umalis na sya at tuluyan nya na ako'ng iniwan huhu. Akala ko ba naman ihahatid nya pa ako mag ka holdinghands kami, tas papakilala ko na sya kay nanay at tatay tapos magdadate kami hay lahat lng pala yan KANCEL huhu.
Umuwi na ako sa bahay dahil sumakit talaga yung paa ko. Sana makita ko ulit sya namiss ko na agad si kuya pogi. AYYYYYY ang tanga tanga ko hindi ko natanong yung pangalan nya.
Pagkagising ko nagulat na lang ako kase may naglalagay ng yelo sa paa ko, hay ang sweet talaga ni tatay. Oo nga pala hindi ko nasabi sakanila kung ano ang nangyari sakin kagabi kung bakit nagkaron ako ng sugat na ganito.
Ano ba nangyari sayo at namamaga itong paa mo ha elise?sabi ni tatay habang dinidiinan nya yung yelo na hawak nya sa paa ko.
Wala to tay, natapilok lang ako may dumaan kasing aso kaya nagmadali ako maglakad kaya ayun. Pagsisinungaling ko hay nakakakonsensya naman.
