WINNER: bilang Estudyante

85 4 1
                                    


Yang Hyun Suk Central Elementary School

Room 444
Grade 10

Yoon- The Nagging President

Yoon: Classmates! manahimik na kayo parating na si sir! mapagalitan na naman ulit tayo eh!

Yoon: Mino, ayusin mo pagkaupo mo!

Yoon: Ikaw naman Hoony! minsan ka na nga lang pumasok nagpapasaway ka pa!

Yoon: Uy, Mino! Pulutin mo 'yang plastic sa tabi mo. Ang laki laki nyan di mo makita?

Yoon: Umayos kayong lahat ha, maparusahan pa ulit tayo ng demonyo nating sir eh.

Bigla namang nagsalita ang adviser nila.

Sir: Ehem, ehem... ano 'yung narinig ko? tinatawag mo ba akong demonyo Mr. Kang?! Lahat kayo tumayo!

Lahat: Good morning Mr. Yang Hyunsuk!!!

-----

Hoony- The Dance Club member

*knock knock*

Lisa: Good morning po Sir Yang! Ipinapa-excuse po si Mr. Lee ng Dance Club adviser namin. *Sabay abot ng letter*

Mr. Yang: Bakit para saan na naman Ms. Manoban?

Lisa: May production number po kasi kaming ipeprepare para sa gaganaping Foundation Day sir.

Hoony: Opo Sir. Hehe

Sir: Hayss, ganyan ka nalang palagi Mr. Lee! Napapabayaan mo na ang pag-aaral mo!

Hoony: Hehe, sorry naman Sir! hindi naman po ako bumabagsak ah!

Sir: Bahala ka na nga sa buhay mong bata ka! Sige alis na!

Hoony: Thank you po Sir! Lab you po...*sabay alis*

Sir: Sandali lang Mr. Lee!

Hoony: Ano po ulit 'yun sir?

Sir: Yung alaga mong aso dalhin mo na rin. Ba't mo ba dinadala 'yan dito? Hindi mo ba alam no pets allowed sa school!

Hoony: Wala po kasing magbabantay Sir! Inaaway pa naman siya ni Johnny...

----

Mino- The Bully Mojiri

Mino: Pssst... huy! Taba! huy! tinatawag kita! pakopya ako ng asayment! Dali!

Mino: Huy! mabubugbog kita eh! bigay mo na saakin 'yan!

Sir: Mr. Song!

Mino: Hehe, ano po 'yun Sir?

Sir: Please answer the equation on the board!

Mino: ahehehe, sige po sir. (lagot ako nito, bwiset!)

Sir: Eight times eight?!?

Mino: Huh?? Ummm...  *nagbilang sa isip(8, 16, 24, 36, 45, 54, 98, 124, 68... 68, 68 'yung sagot!).... 68 po sir?

Sir: Saan mo naman nakuha ang sagot mo?

Mino: Siyempre po, magkatunog ang 8 at 68 eh, rhymes! abc, 123!

Sir: *Napahilamos ng kamay sa mukha*

----
Meanwhile...

Jinwoo- The Always Lost Student

Sa kalagitnaan ng first period...

Jinu: Good morning Sir, good morning classmates, I'm sorry I'm late.

Mr. Yang: Mr. Kim! Ano, naligaw ka na naman ba dito sa school?

Jinu: *napakamot ng ulo* Naku! Hindi po sir.

Mr. Yang: Mabuti naman kung ganun. So, ano ang dahilang kung bakit ka late?

Jinu: Naligaw po ako papunta ng school sir. Maling school bus ang nasakyan ko.

Mr. Yang: *napasapo ng ulo*

****

Enddd.....

WINNER ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon