Ang sabi nila kaya raw may mga multo tayong nakikita o nagpapakita sa atin ito ay dahil naliligaw ang kanilang mga kaluluwa at hindi pa nila nahahanap ang daan patungo sa langit o ang puting liwanag.
Ang iba naman ay hindi pa mapalagay ang mga kaluluwa dahil hindi pa sila handa na mawala sa mundong ibabaw. May mga misyon pa silang hindi pa natatapos, mga kailangang gawin pero kinuha na agad sila sa lupa.
Ang sabi rin ng iba ay sila raw yung mga naghahanap ng hustisya sa pagkamatay nila gaya ng baka nabaril nang walang kasalanan, na rape nang walang kalaban-laban o di kaya ay na aksidente nang hindi inaasahan. Hinahanap nila yung pumatay sa kanila upang maging mapanatag ang kanilang mga kalooban dahil sa nangyari sa kanila, pero pwede ring makapaghiganti sa kung sino man ang may gawa sa pagkamatay nila.
Kadalasan sa kanila ay nagpapakita doon sa mga lugar kung saan kuniktado sa pagkamatay nila. Mayroon din namang pagala-gala at kung saan nalang sumusulpot.
"BRO!! MAY WHITE LADY SA LIKOD MO!!" biglang sigaw sa akin ng mga kapatid ko.
"AHHHHHG! FUCK! ASAN? ASAN?" biglang sigaw ko habang patakbong papunta sa kanila.
"AHAHAHAHA! Wala to! Bakla ata. Ahahahaha" biglang tawanan nila sa akin.
"Mga gago! Sinong bakla? Sinakyan ko lang trip niyo no! Psh! Gago!"
Nauna na akong naglakad sa kanila at lumiko sa ikalawang pasilyo. Walang hiyang mga kapatid to pinagtitripan pa ako para namang totoo yung mga multo multo na iyan.
Nandito kami ngayon sa probinsya ng Lola Maria ko sa Lanao del Norte. Dahil katatapos lang ng finals at summer na ay ipinadala kami nina mama at papa para samahan si Lola Maria. Ang mga kapatid ni mama na kasama ni Lola ay nagsipagbakasyon kaya kami ang pumalit sa kanila. Hindi naman kami tumutol ng mga kapatid ko dahil minsan lang din naman namin makasama si Lola dahil nasa city kami.
We just arrived here yesterday kaya napagdesisyunan naming lumibot sa loob ng bahay dahil gabi na rin ng dumating kami kahapon. Dalawang palapag ang bahay nila lola isa sa mga may lumang desinyo ng bahay na natitira sa lugar na ito. Kung titingnan para na nga itong haunted house pero kung papasukin mo yung loob moderno ang desinyo nito at di mo aakalaing isang lumang bahay na.
Kasama ko ang mga tukmol kong kapatid, si kuya, ako at ang kambal naming bunso. Tig dalawang taon lang ang age gap namin kaya pag nagkakaroon ng pagkakataon na nagkakasama kami ay sobrang gulo talaga. Minsan nalang din kasi kami magsamang apat dahil nasa college si kuya at nasa tita ko nakatira. Ako naman at ang kambal ang naiwan sa bahay kasama si mama, si papa ay nasa abroad tatlong taon na rin ang nakakaraan ng minsang umuwi ito sa bahay at bumalik din pagkatapos ng isang buwan.
Hindi na nakasunod sa akin ang mga kapatid ko at nakarating na ako dito sa pinakadulong bahagi sa ikalawang palapag. Isang kwarto ang tumambad sa akin.
"Apo kung maglilibot kayo sa bahay wag na kayong makialam sa pinakadulong kwarto ng bahay ahh magulo dun at maalikabok baka may ahas pa di ko na nalilinis yun."
Naalala ko ang sinabi sa akin ni lola kanina kaya hindi na ako nakialam pa na buksan ang kwarto. Kaya umalis nalang ako pero hindi ko alam pero parang may kung anong hindi ko maipaliwanag na enerhiyang humihila sa akin pabalik at buksan ang kwarto. Kaya humakbang ako pabalik at tinitigan ang door knob.
Papasok ba ako? Ang dami na kaagad pumapasok sa utak kong mga senaryo. Paano kung pagbukas ko biglang may isang malakas na ilaw tas mapupunta ako sa ibang mundo. O di kaya may biglang malaking ahas na nakatira tapos lalamunin ako. Or..
multo?
Ehh? Hindi naman sila totoo. Para namang totoo yung mga naisip ko. Bahala na. Pinihit ko ang door knob at hindi naman ito naka lock. Tunog palang ng pagbukas ng kwarto ay parang nasa isang horror scene ka. Madilim ang paligid ng makapasok ako, hang hinahanap ko ang switch ng ilaw bigla nalang bumukas ang bintana tas umihip ang malakas na hangin. Natigil ako sa paggalaw dahil sa malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Madilim na sa labas pero dahil maliwanag ang buwan may mga ilaw na pumapasok sa kwarto at nakita ko ang kabuoan ng kwarto.
Hindi ito isang bodega na magulo dahil sa nakatambak na mga gamit. Hindi rin maagiw dahil hindi na nalilinis ng matagal. Kabaliktaran sa sinabi ni lola pero kahit sa kakaunting liwanag na pumapasok sa kwarto nakita kong isa itong malinis na kwarto na parang may nakatira. May kama, may kabenit may munting mesa sa gilid. Malinis ang buong kwarto maayos ang pagkakatupi ng kumot at unan sa kama. Bakit iba 'yung sinabi ni lola sa akin? Gusto ko mang mangialam ay ayoko nalang mag tanong. Dahil wala namang kakaiba sa kwarto ay napagdesisyunan ko nalang na umalis. Bago yun ay isinarado ko nalang muna ang bintana. May kataasan ng kaunti sa ikalawang palapag bago mo masilip ang baba. Hindi naman siguro mamamatay ang sino man kung mahulog sila sa ganito kataasan. Napailing ako sa naisip ko kasi bakit naman mahuhulog pwera nalang kung tatalon o itutulak..
itutulak...
Nang bigla nalang may tumulak sa akin para mawalan ako ng balanse at humantong sa tuluyan ko ng pagkahulog. Hindi ko na nakita sino ng tumulak sa akin ang alam ko hindi maganda ang naging pagbagsak ko at nauna yung ulo ko para mawalan ako ng malay. Bago nagdilim ang paningin ko nakita ko ang pagsara ng bintana at dalawang pares ng mga matang nanlilisik sa galit.
YOU ARE READING
The Ghost Bumps
Short StoryNaniniwala ka ba sa mga multo? Hindi? Oo? Nakakita ka na ba? Hindi? Oo? Nakakatakot ba? Maka panindig balahibo yung epekto? Yung maiihi ka sa pantalon mo sa takot? Anong itsura? Nakakatakot talaga? Paano? Kailan? Saan? Bigla nalang sumusulpot? Nakak...