Paper Hearts (EDITED)

45 10 0
                                    

"Ms. Beautiful, are you okay----"

"No! Leave me alone~!"

Ayan na naman sila. Palagi akong tinatawag na Ms. Beautiful o kaya naman Ms. Preety, na magkaparehas lang naman. Pero anong ginawa sa'kin ng mga lalakeng 'yan? Lagi na lang akong pinapaiyak! Sinasaktan!

"Pero I think you need my help?"

"Don't you dare na lumapit sa'kin, kundi matitikman mo toh." pagbabanta ko sa kaniya saka itinaas ang kamao ko kaya napaatras siya.

Kainis, kitang nag-e-emote ako rito iistorbohin niya.

Ang sakit-sakit na malamang, yung pinangakuan ka ng boyfriend mo na ikaw lang ang mahal niya hanggang dulo. Eh ayun pala, yung dulo na tinutukoy niya ay yung dulo ng school--- sa gate.

Kanina, nautusan ako ng teacher kong bumili sa labas ng school tapos papasok na sana ako nang makita ko yung boyfriend ko sa gotohan. Pero hindi siya nag-iisa, malamang sikat na gotohan kaya yun dito sa amin kaya dinadagsa. But I'm not a fool na, babae niya ang katabi niya kanina!

Grabe, ang bababoy nila at nagsusubuan pa! Samantalang nung kami, hinding-hindi niya nagagawa sa akin ang mga ganun.

But then I realized--- ang cheap pala ng boyfriend ko! Bwiset na yan.

"Kung sakaling kakailanganin mo 'toh... actually this is not a big help.." sabi nito at may kinuhang kung anu sa loob ng bag niya. Saglit na pinukaw niya ang pansin ko kaya umurong ang uhog ko. Yes kadiri, patulo na nga kanina kakaiyak ko. Eww.

"HAH?! STICKY NOTES?"

Akala ko kung anong ilalabas niya, ayun pala papel lang. Pati ba naman siya paasa padin.

Napakamot siya sa batok niya. "Espesyal 'yan kasi may magic na magagawa para hindi ka na umiyak."

Maniniwala na sana ako dahil sa napakainosente at sincerity niya. Pero anong magagawa ng isang papel para mapatigil ako sa pag-iyak? Eh kapag pinampunas ko nga 'yan, masisira lang.

"Ako 'wag mo akong pinagloloko-loko. Hindi porket umiiyak ako dito, eh hindi na ako nakakapag-isip ng maayos!"

Nanggigil na ako sa inis dahil una nasasaktan na nga ang puso ko dito; pangalawa sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa lalakeng 'toh. Seriously, kailan ba hindi magiging pasakit ang mga nilalang na kagaya nila?

Narinig ko pa siyang napatakla at inutusan ako. "Akin na kamay mo."

"Hah? Bakit mo 'ko inuutusan? Pwede ba lumayo—"

"Akin na sabi eh." natakot ako sa way ng pananalita kaya nadala na lang ako at ibinigay ko na lang ang kamay ko.

"Tumayo ka diyan at sa'yo na 'toh." matapos niya 'kong sapilitan mahila patayo ay inilagay niya sa kamay ko ang sticky notes. Aish, ang kulit talaga.

"Isulat mo lang lahat ng nararamdaman mo diyan. Kung ayaw mong sabihin, diyan mo na lang ihayag ang sakit na nararamdaman mo." itinupi niya ang mga daliri ko, "Trust me, may makikinig sa'yo." mata sa mata niyang sabi sa akin. Saka ako binitawan at iniwan sa pwesto.

Hah, anong pinagsasabi nun? Ano siya, anghel ganun? Nagsayang lang ako ng oras dun. Pero in fairness natigil nga ako sa pag-iyak.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko. I-checheck ko lang sana sched ko today kasi hindi ko maalala kung saan next class ko. May notification dapat na tutunog pero the moment na tiningnan ko— napasigaw ako.

"ARGH, ANG PANGIT KO NA AT MUKHANG BRUHA. KASALANAN MO 'TOH EH!"

"Sshh~ QUIET! SINO ANG NAG-INGAY NA YUN?"

Paper Hearts (EDITED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon