Naging tuloy-tuloy ang pagsusulat ko sa sticky notes, at walang araw na lumagpas na hindi ko nakakalimutan gawin ito.
Madalas na ngang tungkol kay Sewoon eh. Pati yung isang beses na may nagrereply sa akin eh sunod-sunod na rin. Lahat iyon nakalagay rin sa origami paper heart.
Habang tumataggal, hindi ko na pinanghihinalaan si Youngmin. Pakiramdam ko kasi imposibleng siya ang nagbibigay ng sulat sa akin. Minsan nga ina-assume ko na si Sewoon 'toh eh. Pero napapaisip din ako na sana hindi rin, kasi naman nakakahiya na siya ang laman nung mga sticky notes ko!
+++++++++++++++++++
Hanggang sa isang araw, wala akong nailagay at naidikit na sticky note sa library dahil natamabakan ng school works. Pinasadahan ko lang ang paborito kong pwesto sa library, at mayroong isang paper heart origami na nakadikit roon. Ibigsabihin galing sa kaniya ito. Binasa ko agad ito at nagtaka dahil wala naman akong inilagay na sticky note.
Pero napataas naman ang kilay ko ng mabasa ang nakasulat.
'Sana hindi lang tayo hanggang sulatan lang. Please meet me at the library and raise your paper heart, para makilala kita.'
+++++++++++++++++++
The next day, mayroong pinagkakaguluhan sa quadrangle ng school. At ayon sa mga naririnig ko, nagseset-up daw si Sewoon doon at mukhang mag-p-perform. Walang nakakaalam kung bakit niya iyon ginagawa kaya naki-isyoso na rin ako.. Malay natin kakantahan niya na pala ako! Ay, umasa naman siya!
Pagdating ko sa baba, as usual ang daming estudyante at karamihan mga babaeng tilian ng tilian. Hindi lang kasi maganda ang boses niya, ang guwapo niya rin. Lalo na yung cold and serious aura niya, ayun talaga yung karisma niya eh.
Pinagpilitan kong isiksik ang sarili ko at dahil sa maliit lang naman ako, nakarating ako sa unahan. Hindi lang pala siya nag-iisa roon, dahil buong banda ng school ang nandidito. Si Sewoon ang guitarist na nasa pinaka-gitna at harapan ng mic.
Ano kayang meron?
"Kyahhhh~!!"
Hindi pa man kumakanta at naghahanda palang ata sila, pero nakasigaw na agad ang marami. Gusto ko rin sanang makisabay pero nagulat ako kasi dumapo bigla ang tingin niya sa'kin at— at nginitian ako.
Nginitian niya ako!
"Oh! My angel
Only you, only you, I can only see you
I can't take my eyes off you
You came right into my heart
With you, with you, only with you
I wanna dream the same dream
In this cold city"Nagsimula na siyang kumanta kaya mas malakas ngayon ang sigawan. Nawala na rin ang paningin niya sa'kin at napunta sa kumpulan ng mga estudyante. Etoh din yung kanta na kinakanta niya doon sa library nun ah.
Para kanino kaya 'yan? At bakit niya rin ako nginitian kanina?
"Can't you be my lady, don't think about anything else
Baby, hold my hand tight, it's only you
I don't care if I have to wait for you all day
Crazy, this burning heart
Girl, I need your love"Hindi ako namamalikmata, sigurado akong sa'kin yung kanina.
"Oh! My angel, you are my angel
From your head to your toes, I can only see you sparkling
You ooh ooh ooh ooh my angel
Don't go anywhere, stay by my side"Nawala ako sa sarili at hindi na namalayan na iba na pala ang kumakanta. Agad akong napatingin at nagulat sa kung sino ito.
Si Gerald habang papalapit siya sa isang babae!
BINABASA MO ANG
Paper Hearts (EDITED) ✓
Fanfiction"Sana hindi lang tayo hanggang sulatan lang. Please meet me at the library and raise your paper heart, para makilala kita." Two Shot Story ◎ A Jeong Sewoon Fan Fiction | EDITED ©® 2019 --- -- - BOOK COVER IS NOT MINE AND IS EDITED. FULL CREDITS TO T...