CHAPTER SIX

5.9K 94 0
                                    


Pakiramdam niya nagsisimula na naman yatang magsungit sa kanya si Brix.Kapag pauwi sila,di na siya nito hinihintay.Nawawala na lang itong bigla.Paano kasi,noong hinintay siya nito't nagsabi sa kanya si Dexter na ihahatid siya,si Dexter ang sinamahan siya kahit pinagbawalan siya nito.Sinabi naman niya na ginawa lang niya iyon kasi nahihiya siyang humindi sa amo nila.Sinabi ba naman nito na sa kakapal ng mukha nito sa kanya,marunong pa pala siyang mahiya.E di siyempre,nasaktan siya.Ang nangyari,palagi na rin siyang nagpapahatid kay Dexter dahil sa inis niya kay Brix.
Pagdating niya sa bahay,tulog na agad si Brix.Di naman umaabot ng 30 minutes ang deperensiya ng pagdating nito't pagdating niya pero tulog na ito agad?Iniiwasan ba talaga siya nito?Nakakailang din naman na tanungin niya kung bakit.Baka isipin nitonh iniisip niya na affected ito't nagseselos.Kaya naman hinayaan na lang din niya ito.

Sa paglipas ng mga araw,napansin na rin ni Dexter na hindi na sila nagpapansinan ni Brix.Galit ba daw sa kanya ang kuya niya ng dahil dito.At sa tagal na rin nilang isinisekreto na di sila magkapatid,nadulas siya nang sabihin ni Dexter na strict ba ang parents niya.Magpapaalam daw kasi ito sa parents niya to prove na sincere ito.Nasabi niya na dapat din nitong magpaalam sa kuya niya pero tingin niya hindi pa ito nakakauwi mula sa business trip nito abroad.Naitanong nito kung panganay ba daw nila iyon.Sinagot naman niya na dalawa lang naman silang magkapatid.
"How about Brix?He's your brother right?"
Natahimik siya.Di agad siya nakasagot.
"Does it mean,hindi mo siya kuya?",tanong nito nang nasa highway sila pauwi sa tinitirhan niya.
Napaamin na rin siya.Na nakilala lang niya si Brix sa Bus at hindi talaga sila magkaanu-ano.
"I think you should look for a new place to stay",sabi nito sa kanya"Sa tingin ko kasi hindi maganda iyong may kasama kang lalaki sa iisang kwarto na hindi mo naman kaanu-ano".
"Mabait naman siya Dexter",depensa niya.
Simula noong binigyan siya ni Dexter ng flowers at sinimulan nito ang paghatid sa kanya,sinabi nito na Dexter na lang ang itawag niya dito.Pumayag siya pero kapag di na working hours.
"Kahit na.You dont know him that well".
Nakakaramdam na siya ng inis. Hinuhusgahan ba nito si Brix?
"Kung may problema ka na may kasama akong lalaki sa bahay,okay lang naman sa'kin kung magbago ang isip mo't itigil na ang panliligaw sa'kin".
Umamin na rin kasi si Dextrr na gusto siya nito.Nag decide siua na bigyan ito ng chance kaya heto sila ngayon.
"That's not my point Dana.Concern lang naman ako sa safety mo".
"Dont worry,I can handle myself",sagot niya dito.
Di na rin ito nagsalita pa.Napansin na rin siguro nito na mag-iba ang mood niya.

Naaasar si Brix sa sarili kung bakit parang nakakaramdam siya ng galit,inis sa tuwing nakikita niyang magkasama si Dana at ang amo nila.At nang simulan ng ihatid ng amo niya si Dana,siya na ang kusang umiwas.Sa ugali ni Dana,kung ano mang pumasok sa isip nito,gagawin nito.May isang beses nga na sinabi nito sa kanya na makisakay silang dalawa kay Dexter.Alangan namang pumayag siya.Alam niyang gusto ni Dexter si Dana at alam din niya ang mga sikreto nito at ng iba nilang kasamahan.Pinaglalaruan lang nito ang mga puso ng mga babae.Napagsabihan na niya si Dana pero sumasama pa rin ito kay Dexter.Kaya naman wala na siyang magagawa para pigilan ito.Hindi rin naman niya kaanu-ano si Dana.Maliban sa kasama niya ito sa kwarto,wala ng iba.
Aaminin niya,kahit makulit,isip bata at may pagka-maarte nga si Dana,mabuti naman itong babae.Siguro nga gusto lang din nitong magpatawa kay kung anu-ano na lang ang ginagawa.Di rin naman pala ito mahirap makasundo.Nasanay na rin siya dito at unti-unti na rin nga yatang nahuhulog ang loob niya dito.Pero dapat niyang pigilan ang sarili niya.Di ba nga umalis siya dahil sa ayaw niya sa isang katulad nitong babae?Kapag niligawan niya si Dana,para na rin niyang nilunok ang pride niya.
Narinig niya ang tunog ng sasakyan ni Dexter.Sinadya niyang patayin ang ilaw sa kwarto't sumilip siya sa bintana.Kitang-kita kasi mula doon ang harapan ng kotse.Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang hinalikan ni Dexter si Dana sa pisngi.Napahawak dibdib niya.Bigla kasi siyang nakaramdam ng kirot sa bahaging iyon.

Nagulat si Dana nang bigka siyang hinalikan ni Dexter.Buti sana kung kinikilig siya kaso nandiri siya.Bigla niyang naitulak si Dexter na ikinagulat din nito.
"What's wrong?",tanong nito.
"I'm sorry pero di ko yata kaya".
"Ang ano?",nalilito nitong tanong.
"I-I dont think this will work.Im sorry pero huling beses na'to na magpapahatid ako sa'yo".
"Is it because of that kiss?Look,Im reallu sorry.Promise hindi ko na uulitin hangga't hindi pa tayo".
"That' the problem Dexter.Hindi magiging tayo",yumuko siya.
"What?Why?I thought everything's going well".
"Akala ko rin.But Im sorry,ayaw ko na ring paasahin ka".
"Is it because of that guy?Brix?Tell me,may relasyon ba kayo?"
"Hindi na natin siya dapat idamay dito.He's out of the picture"binuksan na niya ang pinto"Mag-ingat ka sa pag-uwi",isinara na niya ang pinto.Di na rin niya ito tiningnan at pumasok na agad siya sa bahay.
At nang makarating na siya sa kwarto,first time niyang naabutang gising si Brix magmula noong di na sila nagkakasabay umuwi.Nginitian niya ito.
"Di ka pa natutulog?"
"Ganyan ka ba talaga?"nakasandal ito sa pader habang nakatingin sa kanya.
Napakunot ang noo niya.
"Akala ko ba kapag mabait mula sa simula may mutibo,di dapat pagkatiwalaan".
"Bakit mo naman biglang nasabi yan".
"Ganyan ka ba talaga kadaling mapasagot?Pabulak-bulaklak lang,pahatid-hatid,sasagutin mo na agad?"pasigaw nitong sabi sa kanya.
"Bakit ba parang galit ka!",napalakas na rin ang boses niya.
"Di nga ako nagkamali sa'yo,di katulad mo ang babaeng siniseryoso.Isang linggo pa lang nagpapahalik ka na?Sinagot mo na ba yon?!Ganyan ka lang ba talaga kadaling mapasagot?!"
Biglang umakyat lahat ng dugo niya sa ulo niya.
"Bakit ba?!Pakialam mo ba?!Sino ka ba?Kaanu-ano ba kita?Hindi dahil sa gumastos ka para sa'kin,may karapatan ka ng pagsalitaan ako ng ganyan!Huwag kang mag-alala,ibabalik ko lahat ng ginastos mo sa'kin hanggang sa kahuli-hulihang sentimo!",napaiyak na siya"Alam kong may galit ka sa mga babaeng katulad ko pero wag mo naman sana akong husgahan!"
"Hindi ako nanghuhusga.Kitang-kita ng mga mata ko ang lahat".
Napaisip siya.Sumilip siguro ito sa bintana.
"Bakit,nagseselos ka?Bakla ka ba?Alam ko namang hindi ako ang tyoe mo so ano,si Dexter ang gusto mo?Hindi ko siya aagawin--",napaatras siya nang mabilis na nakalapit sa kanya si Brix.
Napasandal siya sa pintuan.Nanlaki ang mga mata niya.Napakabilis ng pangyayri.Sa isang iglap,magkalapit na sila't ang mga labi nila.Halos habulin na niya ang sariling hininga matapos siya nitong halikan.
"Sino ngayon ang bakla?",tanong nito sa kanya.
Nabigla siya sa ginawa nito.Hindi niya kasi akalain na magagawa nito iyon sa kanya.Ang tangi na lang niyang nagawa ay ang buksan ang pinto't tumakbo.Di niya alam kung saan pupunta.Lalabas na sana siya ng bahay nang madatnan niya si Cristy sa may gate.
"Anong problema?",tanong nito nang makita siya.
Napahagulgol na siya't niyakap niya ito.Kailangan lang talaga niya ng kakampi ng oras na iyon.

Nang medyo mahimasmasan na siya,dinala siya nito sa kwarto nito.Ayos lang din daw na doon siya matulog.Nagtanong rin ito kung anong problema't sinabi na lang niya dito ang tungkol kay Brix at sa pinsan nito.Pero di pa niya nabanggit na di talaga sila totoong magkapatid.Lalo na ang kiss nila
"Honestly kahit pinsan ko si Dexter,ayaw ko rin siya for you.Kahit kailan kasi hindi pa nagseryoso yon sa isang babae.At baka nakita iyon ng kuya mo kaya siya nagalit".
Napabuntong-hininga siya.Ang hirap naman kasing humingi ng advice gayong may isinisekreto siya.Kaya naman umamin na rin siya dito na ikinabigla talaga nito.
"Really?!Sumama ka sa isang lalaki na hindi mo pa gaanong kilala?That's dangerous Dana.Ikakapahamak mo yan.You're lucky he's a good guy".
Nalungkot siya"Kaya lang naman siya mabait sa'kin because he doesn't like a woman like me.Pinagtiya-tiyagaan lang niya'ko".
"Hindi kaya na-develope na siya sayo't ayaw lang niya aminin?Na kaya siya nagalit na nagpapaligaw ka kay Dexter ay dahil nagseselos siya?"
"I dont want to think of it like that.Magmumukha lang akong assuming".
"E ikaw ba,wala ka bang nararamdamang special para kay Brix?"
Hindi agad siya nakasagot.Ano nga bang feelings niya para dito?
"Hin-di ko alam".

Naisipan ni Brix na sundan si Dana pero nang pababa na siya,narinig niya ang boses ni Cristy.Sa tingin niya di naman nito pababayaan si Dana.Bumalik na lang siya sa kwarto.

My Fate Is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon