Panandalian

421 1 1
                                    


Linggo ng gabi nung nakatanggap si Rea ng isang message mula sa crush niyang si Jake. Kilig na kilig ito kahit alam niyang sa tulong lang ng kaniyang best friend kaya chinat siya ni Jake.

Pilit na pinahaba ni Rea ang kanilang conversation dahil para sakanya isa itong himala na mapansin siya ng taong gusto niya. Nalaman ni Rea na gusto din siya ni Jake. Napakasaya niya nung araw na iyon. Hindi makatulog sa kaiisip at paulit-ulit na tinatanong kung totoo ba ang mga nangyayari.

Kinabukasan, pumasok si Rea ng kilig na kilig at kinwento sa kanyang mga best friend ang pangyayari at nung tinutukso nila ito kay Jake ay umiiwas si Rea dahil nahihiya siya.

Dalawang araw naging ganito ang sitwasyon nila. Uni-unting naramdaman ni Rea na nawawala na ang nararamdaman ni Jake para sakanya. At isang gabi tinanong ni Rea si Jake tungkol dito

"Jake bakit parang nag-iba ka na? Di mo naba ako gusto?"

"Sorry Rea pero ayaw ko na ng ganito. Hindi na kita gusto."

Pumatak ang mga luha ni Rea galing sa kaniyang mga mata habang iniisip na ang lahat ng mga kasiyahang naramdaman niya ay panadalian lamang dahil sobrang sineryoso niya ang relasyon nila.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PanandalianWhere stories live. Discover now