Chapter 28: Coincidence

42 8 0
                                    

Jasmine's P.O.V

No matter how long it takes, true love is always worth to wait. No matter, how long, no matter how hard it was. Love is love.

Nandito ako ngayon sa Animax Campus, dito sa sidewalk. Naglalakad ako mismo sa daan kung saan naalala ko ang kagagahan ko noong namamadali ako at nakabangga pa ako ng isang lalake.

Destiny.

Mapaglaro ang tadhana, kung sino pa yung accidente ko lang nakilala, siya pa yung mamahalin ko ng sobra. Nakakatawang isipin na sa ga'nong paraan kami magkakakilala, hay nako tadhana.

Alam ko namang hindi darating yung mokong na yun, syempre hindi ko sinabi sa 'kanya na darating ako dito. Patuloy lang ako sa paglalakad, ang sarap maglakad-lakad dito. Nakaka miss 'tong lugar na 'to, hindi kalayuan. May naamoy akong isang mabangong amoy, sinundan ko ito kung saan ito nagmumula.

Paglingon ko, ito ang cafe. Cafe na usap-usapan sa Animax Campus na meron daw na masarap na lasa ang bawat kape.

Why not hindi ko subukan ang kapeng masarap daw na sinasabi nila.

Paakyat akonsa hagdan ng cafe, at binuksan ang pintuan nito, lumikha ito ng tunog na kring! sa pintuan.

"Welcome back Mrs. Cortez!" ang masiglang bati sa 'kin ng crew ng cafe na agad ko namang ikinagulat.

"Ahh, 'E, pano niyo ho ako nakilala?" ang magalang kong tanong sa crew na bumati sa 'kin.

"Mrs. Cortez, palagi kang kinekwento dito ni Sir Jonathan sa cafe nito. Pinapasabi din niya na batiin daw kita kung sakali mang umuwi ka dito." ang paglalahad niya.

"At paano kayong lahat dito nagkakilala?" ang tanong ko sa 'kanya.

"Mrs. Cortez, ang may-ari ng cafe na ito ay tita niya." ang paglalahad niya. "Pwede ko naman po tawagan si Sir Jonathan kung gusto niyo."

"Pwede po ba? Baka kasi naabala ko siy-"

"Hindi yan, ako bahala sa lalakeng yun. Ako na tatawag sa 'kanya."

Hindi pa ako tapos magsalita, inunahan nakong magsalita nitong babaeng ito. Maputi ito, mahaba ang buhok ang kulay itim nitong buhok, straight na straight ang buhok nito, at ang mga mata niya. Katulad ng kay Jonathan, kulay asul din ito.

"By the way ako si Santina Malacau, the only one pretty cousin of Jonathan Malacau. Nice to meet you Mrs. Cortez." ngumiti siya sa 'kin.

"Mrs. Cortez, kunin ko nalang po ang order niyo. Doon nalang po kayo maupo sa sa  taas mas malamig doon, ako nadin po ang bahala sa mga dadalhin mo." ang naka ngiti niyang tanong sa 'akin.

Tumango ako.

"Isa pong cinnamon coffee, iced. Thank you."

Pagkatapos kong umorder, nagsimula na akong maglakad. Nasa gilid ng pintuan ang hagdanan papuntang 2nd floor, pagka-akyat ko may isa pang pintuan doon. Binuksan ko ito, at bumungad agad sa 'kin ang malamig na hangin.

Hindi lang pala ako dito ang tao, may dalawang mag girlfriend at boyfriend dito. Ewan pero nabibitter ako. Joke

Sobrang ganda nito, kitang-kita mo ang view ng malawak na grassland ng Animax Campus. Ang ganda dito. Naka-upo ako ngayon sa window side sa kanan banda, ang ganda ng cafe na 'to. It's not like other cafe na kokonti lang ang upuan tapos hindi malamig, iba ito sa ibang cafe. This is unique cafe.

"Eunice, legal na tayo kay mommy. Hindi ka ba masaya?" ang malungkot na tanong ng lalake.

"Eunice? Teka, it's something kinda familiar. Nasadulo yun ng utak ko." bulong ko. "Ah! Oo, yung Diary ni Jonathan. Yung ex niya, I guess. Itong lalakeng ito ang bestfriend niyang si Jonas."

Naka tingin lang ako sa 'kanila, nang biglang may umagaw ng attention ko. Dumating sa pintuan ang lalakeng hinihintay ko, at pinaka gusto kong unang makita pagdating ko dito sa Manila.

Palapit siya ng palapit. My heart beats so faster and faster and faster, ngumiti siya sa 'kin. Agad akong tumayo, at naglakad ng mabilis papunta sa 'kanya. Nang makalapit ako sa 'kanya, agad akong tumalon sa 'kanya at niyakap siya ng mahigpit. Halos umiyak ako sa tuwa na yung taong matagal mong hindi nakasama, ngayon nayakap mo na muli.

"Nathan namiss kita." ang naluluha kong sabi.

"I know, my queen." niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ah 'e, sensya na sa distorbo ng love story niyo ah." biglang dumating ang pinsan ni Jonathan na si Santina na naka sandal sa pintuan.

Tumawa naman si Jonathan, pero inirapan lang niya si Jonathan.

"Baka kasi nakakalimutan niyo na nadito ako sa pintuan, at alam niyo namang may single dito. Nandito din si Sir Jonas and Mam Eunice, third wheel ako sa dalawang couple kaya nalang aalis siguro ako." ngumiti siya ng mapait.

"Ang sabihin mo iniwan ka lang ng loko-lokong yun." tumawa ng malakas si Jonathan.

"Whatever couz." sabay padabog niyang sinarhan ang pintuan.

Tumingin naman agad sa 'kin si Jonathan, at ngumiti ito sa 'kin. Damn, those smile is killing me. Isabay mo pa yung signature perfume niya na nasa t-shirt niyang color white, pinaghandaan talaga ng lalakeng 'to ang pagdating ko.

"Problema nun?" ang tanong ko kay Jonathan.

"Papano ba naman 'e no boyfriend since birth, joke, nasawi siya kaya bitter."

Tumawa nalang ako at niyakap ng mahigpit si Jonathan, pinunasan naman niya ang luha kong tumutulo at hinalikan sa noo.

" 'Wag kang iiyak, maganda ka pa naman." hinalikan niya ako sa noo.

"What a coincidence."

Agad naman napalingon si Jonathan sa kanang bahagi kung saan nandoon si Jonas at si Eunice. Kumaway pa ito sa 'amin ng naka-ngiti, kung titingnan mo si Eunice, naka ngiti ito ng pilit at ang mga mata niya parang tutulo na ang mga luha niya kung kailan.

Agad namang pumunta kaming dalawa ni Jonathan sa pwesto nilang dalawa na naka-hawak kamay, tiningnan ko ang muka ni Jonathan. Ang mukang proud, at may lakas na loob harapin na kung sino at hindi ito masisira. Mahigpit din ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa kamay ko, habang palapit ng palapit kami sa 'kanila.

"Nagkita nanaman tayo ulit Jonas."  kinamayan niya ito.

"Nagkita nanaman tayo ulit pre." ngumiti ito. "At sino naman itong kasama mo pre?"

"She is my queen, Jasmine Cortez, meet my new girlfriend."

*****
A/N: Hehehe last chapter na sa next for book 1! Salamat sa mga nagbabasa at tinitiis ang mabagal kong update, hangang chapter 90 pa 'to mga teh/kyah. Yeah, I'm super dead serious guyss, kaya nga trilogy diba! -.- chos! Wala pa tayo sa kalahati hihi.

The New HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon