Umiiyak na pumasok ng kwarto si Hannah, ramdam nya pa rin ang kirot ng pagkakasampal ng kanyang ina pati na rin ang sakit ng pagkakasapak ng kanya namang Ama sa tiyan.
Hindi sya tinuturing ng mga ito bilang anak kundi isang pampaalis ng galit, o sa madaling salita punching bag. Lalong-lalo na rin dahil ang mga ito ay palagi-laging lasing at gumagamit ng droga.
Ngunit tumayo agad ang dalaga ng may maalala sya. Inayos nya ang kanyang sarili, naglagay ng makeup upang itago ang pamumugto ng kanyang mga mata. Kinuha nya ang kanyang cellphone na may basag sa screen pero gumagana pa naman.
Pinindot nya ang button at nagsimula nang mag-LIVE ng video. Huminga sya nang malalim at saka nagsalita.
"Hi Everyone! Ako nga po pala si Hannah! I'm 16 years old at ako po ay isang babaeng naglalive ng videos dito sa Facebook, para gawin ang mga Dares na binibigay sakin ng mga fans ko through messenger. Kung gusto nyo pong magdare sakin, just message me and like my profile. Paki-like na rin ang Facebook page na Hannah Alcantara Bashers." Mapakla nyang sabi sa mga huling salita, Ngunit ipinagsawalang-bahala nya na lang yun.
Sikat ang dalaga sa pag-laLive sa Facebook, ang mga taong nanonood ay binibigyan sya ng Dare na kanya namang ginagawa. Uminom ng isang litro ng hot sauce, 2 minutong hawakan ang tambutso ng motor na Buhay ang makina, magpicture ng nakahubad at nang kung anu-ano pang mga kasamaang inuutos sa kanya.
Ngunit hindi nya na lang ito binibigyang malisya, para sa kanya mas mabuti pa ito para sya ay mapansin.
Nakita nyang naka-195 agad ang nanunuod ngayon ng paglalive nya. May mga nagcocoment din naman.
JJ Reyes: Omg, naglalive nanaman ang put*.
Sarah Lopez: Nakakasuka talaga sya.
Jane Gregorio: Ang pangit talaga ng g*ga ahahaha
Gino Paduan: T***ina, wag ka na ngang mag-LIVE nasisira ang Araw ko.
Marami pang mga comments pero pareparehas lang ng pinaparating. Pinagpatuloy na lang ng dalaga ang pagvivideo.
"At ngayon may nareceive akong Dare." Pinindot nya ang message at laking gulat nya ng mabasa ito.
Nikka032: Magpakamatay ka para naman matuwa kami sayo ahahaha
Nakaramdam sya ng panunubig ng mga mata. Ngunit pinigilan nya ito. Kailangan nyang magmukhang maganda sa harap ng mga fans---ng mga Bashers.
"Okay! Challenging! Pero gagawin ko para sa inyong lahat. Sabi ni Nikka032: Magpakamatay ka para naman matuwa kami sayo ahahaha." Ani nya habang pilit na ngumingiti.
"At dahil dare yan ng isang Fan ko at para na rin sa kanyang ikatutuwa.. Gagawin ko ito!" Tila ba parang tuwang-tuwa pa sya sa inuutos sa kanya ng kanyang fan--- ng kanyang basher.
Tumaas pa ang bilang ng mga manunuod, dumami rin ang mga comments.
Kimberly Santiago: Ahaha Hindi nya kaya yan.
Peter Villarama: Weak!! T***ina mo!
Kiko Sebastian: Sige nga gawin mo na!
Umalis sa harapan saglit ang dalaga, kumuha ng upuan at ng lubid. Bumalik sya at ipiniwesto ang upuan sa harap ng camera.
Itinali nya ang dulo ng lubid na may konting espasyo para pagsabitan. Ang kabilang dulo naman ay itinali nya sa kahoy na pwedeng paglambitan na nasa kisame, Hindi nya ito abot kaya ginamit nya ang upuan.
Nakatapak pa rin sya sa upuan na nakaharap sa camera. Tila handa na sa gustong ipagawa sa kanya.
"Ready na ko! Pero Bago ko gawin ito, gusto ko sanang magpasalamat sa mga fans ko, nope scratch that-- sa mga Bashers ko. Kasi kayo lang naman ang nakakapansin sakin eh, Samantalang ang mga magulang ko Turing lang naman sakin bugbugan. Kaya Thank you talaga! Ngayon panoorin nyo ko!".
Hindi na nya napigilan ang pag-agos ng kanyang luha. Inisip nyang Kahit na magmukha pa syang pangit sa video na yun, mukha pa rin namang syang pangit kahit na hindi pa namamaga ang kanyang mga mata.
"Muntik ko na pa lang hindi ipaalala.. eto na ang huling dare nyo sakin." Diretso lang syang nakatingin sa camera. Tumutulo pa rin ang kanyang mga luha pero agad nya itong pinunasan.
Ang kanyang malungkot na mukha ay napaltan ng kanyang matalim ng mga mata, habang nakangisi na para bang nakatingin sya sa bawat tao-- sa bawat basher na nanunuod ng LIVE video nyang ito.
"Wag kayong mag-alala aking mga Bashers, dahil may part 2 pa ang mga videos kong ito." Inilusot niya ang kanyang ulo hanggang sa leeg ang lubid na may nakataling konting espasyo.
Tumapak sya sa pinakamataas na parte ng upuan kundi ang sandalan. Unti-unti nyang sinisipa ang upuan papabagsak ngunit Bago ito tuluyang bumagsak, nagsalita muli ang dalaga ng kanyang huling mga salita bilang nabubuhay pa.
"Spoiler alert, Hindi na kayo ang magdedare sakin. Ako naman."
END.
Sa mga nagbabasa nito,
Moral lesson 1: Ang mga Dare po minsan ay nakakatuwa, ngunit wag naman po tayong magbigay ng isang dare na makakasama sa ating kapwa.
Moral lesson 2: Guys, itigil na natin ang pangbabash. Hindi tayo ang Diyos para manghusga ng ating kapwa. Tao lang tayo. Lahat tayo pantay-pantay.Moral lesson 3: Itigil na ang paggamit ng droga, Hindi lang yan nakakasama sa ating kalusugan, kundi pati na rin sa ating mga mahal sa Buhay.
Moral lesson 4: Hindi solusyon ang pagpapakamatay kapag tayo ay may isang mabigat na problema. May mga mahal tayo sa buhay na ating maiiwan.
Moral lesson 5: Tiwala lang kay God. Lagi syang nandyan para sa atin. Mahal na mahal nya tayo.
Ang laman nang kwentong ito ay fiction lang. Hindi totoo. Kahit ang mga pangalan na ginamit ay pawang Hindi rin makatotohanan. Kung may pagkakaparehas man ito sa nabubuhay o Hindi, ito ay aksidente lamang or Pure Coincidence. Kaya ako po ay nakikiusap na gamitin ang inyong pang-unawa.
-AoiHinata 07