Nash:San ka? Andito ko sa bahay nila Mark
Julia:Ah ganun ba? , Nasa Mcdo ako with friends
Nash:Uwi din kami mamaya mga 3pm wala namang babae dito
Julia:Okay , HAHAHA enjoy *Winks*
Nash: HAHA na-iimagine kita ang cute mo
Julia:Bolero ka talagang tingteng ka HAHAHA joke
Nash: Typing...
"Julia sino nanaman yang ka chat mo? Si Nash nanaman ba?" tango na lamang ang naisagot ko kay Chris
"Ikaw sabihin mo nga sakin kayo na ba?"
"Walang kami okay?"
"Eh , bat lagi kayong mag kausap? Bat ipinaalam niya sayo kung san siya pupunta , kung sinong kasama , anong oras nauwi ha?"
"Ewan" sabi ko sabay kibit balikat
"Baka naman nililigawan ka nung tao"
"Hindi rin , sabi lang nila may gusto daw sakin pero parang wala naman"
"Manhid manhid mo naman Julia , si Nash nayan oh wag ng sayangin"
"Ih , ayoko. I'm not into him ayoko kay Nash okay? Hindi ko siya gusto period. Tapos ang usapang ito."
"Okay sabi mo yan pag ikaw nahulog dyan tatawanan lang kita"
"FYI hindi po ako mahuhulog , dahil nahulog nako kay Jake okay? Si Jake po ang gusto ko si Jake"
"Kyah!!! Mag-diwang tayong mga team Jake HAHAHA , hindi ko na alam kung san ako panig"
Nash: Ingat ka *Kisses* HAHAHA by the way sino nga pala kasama mo?
Julia: Ay taray! kisses talaga? Si chris kasama ko lagi naman.
Nash:Ah ganun ba , enjoy!
Julia:Seen
"Hoy! Ako ang kasama mo pero tutok ka dyan sa phone mo ano yan oy!"
"Wala to HAHA"
Jake: Juls?
Julia: Oh?! Anong ganap?
"Ehem , ngiting ngiti ate ko Julia sino yan oy! Nahuhulog ka na kay Nash?!"
"OA mo , si Jake nag chat"
"Oh? Ano raw sabi?"
"Juls?"
"Jusko Julia! Juls palang ang chat sayo halos mapunit nayang labi mo hay nako parang mabilis mong maisusuko ang bataan"
"Hoy! Kahit kelan napaka OA mong babae ka"
Jake: Wala lang , kamusta?
Julia: Ayos lang naman eh ikaw?
"Okay I get it now mawawalan na ng sense na ako ang kasama mo today"
"HAHAHA ito na papatayin ko na ang Data ko nakakahiya naman kasi sayo"
Sino nga ba si Nash? Nililigawan DAW niya ako pero hindi ko man lang naramdaman pero lagi siyang nag papaalam sakin kung san siya pupunta , kung sino kasama at kung anong oras ang uwi in short ginawa niya nakong nanay HAHAHA joke , lagi kaming mag kachat mag kausap , maging classmates niya ay inaasar ako sa kanya even his Adviser ewan ko ba kasabwat yata niya ang buong school HAHAHA pero medyo akward kami school ngitingiti lang kami sa daan walang usap usap sa chat lang talaga kami madaldal , pilit nila kong tinutulak sa kanya at pilit rin naman akong umaatras hindi nako pwedeng magkagusto sa kanya tsaka malabo na impossible kasi ang pusong ito na meron ako ay para lang kay Jake
Jake:Offline
Nash:Uy! Papasok ka bukas?
Julia:Yep, Always present! Masipag yata to
Nash:HAHAHA , naks may masipag bang surname lang isinusulat sa papel? Pag may exam
Julia:Eh sa sayang ang tinta ng ballpen , matuto tayong magtipid *winks*
Nash:HAHA , ang cute mo talaga , sa tinta ka pa talaga nanghinayang
Julia: Syempre pati rin sa lakas ko kasi pag sinulat ko ang First name ko bonggang force ang ieexert ko dun wag na sayang lang
"Okay Chris , learn to talk to yourself" napatawa ako sa sinabi ni Chris
"Oo tama chris ganyan nga ganyan talaga! Ang galing mo Chris! Idol" sabi niya sa sarili napailing iling nalang ako habang tinitignan siya having a abnormal friend isn't easy but yet It was fun
***
Days , Months Passed
Wala ng Nash na nangungulit sakin everyday , siguro napagod na lately kasi hindi ko na siya kinakausap at sinasagot ng maayos tuwing sasabihin niyang pupunta siya sa ganito sa ganyan sasabihin ko SKL o kung ano ano basta ewan naiinis na kasi ako tapos ngayon namimiss ko siya.
Julia: Pst! Hi?
Nash: Hi
Plain lang ang sagot niya , dati kahit Pst! Lang ang message ko ang haba na ng nacocompose niyang sentence siguro napagod na siya , napagod na siya sa kakakulit sakin at naka mas malala pa baka wala na siyang nararamdaman
Julia: Ang cute mo
Nash: HAHAHA Bolera
Napangiti nalang ako sa sarili ko yung dating nangungulit sakin , kinukulit ko tama nga ang buhay parang isang gulong minsan nasa taas ka , minsan nasa baba at sa pagkakataong ito nagbago ang posisyon naming dalawa , ako na yata yung nahulog at siya natong wala ng paki alam
Julia: Inaantok ka ba?
Nash: Di naman
Itinigil ko na , pinatay ko nalang ang cellphone ko at sumandal sa headerboard ng kama , ngayon nararamdaman ko nayong nararamdaman niya nung mga panahong binabalewala ko siya nung nga panahong napakaraming lakas ng loob siguro ang inipon niya machat lang ako ng ganun at ngayon nasasabi ko nalang sa sarili ko na sayang , sayang at hindi ko man lang to naramdaman nung una , sayang lang at huli na , huli ng malaman kong gusto ko siya.

BINABASA MO ANG
Huli na ng malaman ko
Ficção AdolescenteOne Shot Story. This is not a horror story.