One Shot [Frustrated Writer]

1.2K 76 27
                                    

Frustrated Writer

Written by: BlabbersAlertX_X

All Rights Reserved 2014 ®

Okay first time in the history akong gumawa ng One Shot. As in wala talaga akong idea kung one shot ba ito o hindi. I just thought of it. Kahit na alam kong hindi sya kagandahan. xD

Thank you talaga guys. Maraming maraming salamat in advance. :""">

My First One Shot. <3

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

I am Prianne.

And I am a Frustrated Writer.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

I am Prianne, Teenager. Tahimik,sabi nila matalino, pero hindi mahilig humarap ng Libro. Common sense lang naman ang ginagamit ko eh.

Isang araw nagsurf ako sa net, habang nagfefacebook ako may nasagi ang mata ko sa home ko. One of my facebook friend posted a story and blah blah. Sabi ko sa sarili ko Wow. May friend pala ako sa facebook na writer? I got curious so i click it. And then I found myself in an unfamiliar site. It says, Unlimited Stories and.... Wattpad?

I have no idea kung ano yun kaya naglog in ako and after a couple of days logging in, i finally understand kung para saan ba talaga iyon and i got interested sa

Wattpad.

Mula nung makilala ko si Wattpad. Naingganyo na akong magbasa, hindi nga makapaniwala ang mga kakilala ko na si PRIANNE,(AKO) nagbabasa ng libro.

Nakakatawa mang isipin na simula pagkabata ay ni minsan hindi ko naisip na darating ang araw na makikita ko nalang ang sarili ko na nagbabasa ng story all day, all night. Yung wala ng kurap kurap dahil climax na ng story at hindi mo pwedeng palampasin kasi baka di ka makatulog kakaisip kung ano ang susunod na mangyayari? o yung feeling na mababaliw ka sa mga kaganapan? Nakakaadik hindi ba?

I know, I feel you.

Para kasing totoo ang mga kwento, para syang panaginip na alam mong hindi naman makatotohanan. Pero may nababasa rin akong base sa true to life stories pero sometimes it feels so surreal kahit na alam mong nangyayari talaga yun sa totoong buhay.

Naalala ko pa nga nung minsan bigla nalang ako natatawa, nalulungkot, naiiyak o di kaya nagagalit ng dahil lang sa mga binabasa ko. Nasasabihan na nga akong baliw sa pinaggagagawa ko eh. Haha.

And after days, weeks, months of reading, just reading ay nainganyo na rin akong sumulat ng mga kwento. Kwentong di natatapos, I'm a Frustrated Writer nga diba?

Ewan ko ba, kung bakit sa twing magsisimula ako ng istorya ay karaniwang di ko natatapos, sa una lang ako nagiging excited pero kalaunan, wala na. Hindi ko na matulak ang sarili ko na magsulat pa.

Hanggang simula lang talaga ang naisusulat ko pagkatapos non binubura ko na kasi nagbago na ang isip ko at hindi ko na pinagpapatuloy.

Alam niyo yung feeling na parang may kulang sa sinusulat mo. Yung parang hindi ka nakokontento at pakiramdam mo, It is not good enough.

Nakailang gawa-bura ako, and I am so Frustrated about it pero hindi pa rin ako sumusuko. Gusto kong makatapos man lang ng isang story at gusto kong mapatunayan sa sarili ko na kaya ko talaga. At papanindigan ko iyon.

I spend hours of brainstorming para lang makagawa ng magandang simula. Halos kinain na nga nun ang oras ko sa buong araw. Concentrating on the next scenes.

Hindi ko na nga napapansin ang pagbabagong nagaganap sa paligid ko. Mas gugustuhin ko pa ngang mapag-isa para makaconcentrate ako sa pagtatype ko kesa ang sumama sa mga kaibigan kong gumala. I don't have any real friends anyway.

Ganon ang naging routine ko. After class diretso uwi, gawa assignment tapos harap sa computer at magtype. I lack of social life, i know.

Sa isip isip ko, bakit pa? Rumarami naman ang fans ko? Pati reads, votes and comments. Okay nako dun. May mga kaibigan naman ako sa online world. Yeah, na-addict na nga ako sa pinaggagagawa ko. Pero wala pa rin akong natatapos.

Not until One Day, pumasok sa kwarto ko ang nanay ko at pinagalitan ako. Sinigawan.

Ginising niya rin ako sa Katotohanan.

"Prianne, ano ka ba naman! Lagi ka nalang nagkukulong sa kwarto mo ha! Ano yang ginagawa mo ha?!?!" bulyaw niya at tiningnan ang nasa computer ko. Hindi naman ako nagsalita at nakinig lang sakanya. "Ano to?! Wattpad?! Story?! Anak naman Anong mapapala mo dito?! Yayaman ka ba dyan? Puro kalokohan lang naman ito!! Walang makatotohanan sa story story na'to! Happy Ending Happy Ending. Tsk. Hindi ka mabubuhay kung puro ito lang ang inaatupag mo!" sigaw pa niya. Para naman akong sinampal ng katotohanan sa sinabi niya. "Umayos ka na dyan at bumaba ka na." utos niya pa bago siya tuluyang umalis ng kwarto.

At dun nako napaiyak. Alam ko naman eh. Di naman kailangan ipamukha but this is my passion. :((

Alam kong parati lang ako nagkukulong sa kwarto para gawin to at wala akong masyadong kaibigan. Ito nalang ang tanging bagay na sa tingin ko ay magpapasaya sakin. I thought it's fine. Kasi nga, ako lang naman ang karaniwang naiiwan sa bahay, nagtatrabaho kasi si mama at kung tinatanong niyo kung nasaan ang papa ko. Guess what, sumakabilang bahay.

Lagi namang ganito eh. Pag-uwi niya lagi nalang niya ako sinisigawan. Magmula nung umalis si papa, ako na ang naghihirap. Kahit sanay na ako, hindi ko mapigilang umiyak.

"Bakit hindi niya maintindihan?" bulong ko sa sarili ko habang umaagos ang mga luha ko.

Dun lang din ako natauhan. Dun ko lang talaga narealize ang kulang sakin. Kaya hindi ako makonte-kontento.

Dahil pala dito, dahil sa nangyayari sa buhay ko na ayokong tanggapin.

Sa Wattpad kasi, Uso ang Happy Ending... Uso ang mga bagay na hindi makatotohanan... Ayokong umalis sa mundo ng fairytales, gusto kong manatiling naniniwala sa happily ever after dahil ayokong harapin ang katotohanan.

This has been my escape route since i don't know when. Masyado akong nawili sa imahinasyong ginawa ng ibang tao, nahulog ako sa paraisong gawa ng mga nobelang nabasa ko.

Nakalimutan ko ang Puso, Ang Realidad ng buhay, ang Katotohanan kaya hindi ko matapos tapos ang ginagawa kong kwento. Hindi ko nararamdaman ang emosyon ng bawat karakter na ginagawa ko dahil mismo ako, hindi ko mailagay ang sarili ko sa katayuan ng karakter na ginagawa ko.

Hindi ko kaya.

I guess, hindi talaga sakin ang pagiging Writer.

Dahil Karakter lang din ako ng isang kwento. Kwentong hindi ko alam kung kailan matatapos. Kwentong magwawakas na pero patuloy paring nagsisimula at muling magwawakas.

I'm a Writer at heart but a Frustrated Writer to be exact.

At sa tingin ko dito na magtatapos ang kwento ko bilang isang frustrated writer dahil sa susunod na kabanata ay magsisimula ang kwento ko bilang manunulat na ng sarili kong buhay.

~ Wakas ~

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

One Shot [Frustrated Writer]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon