Beginning

1 0 0
                                    

Hindi ko alam kung san ako pupunta pero isa lang ang nasisigurado ko, kailangan ko silang matakasan.

Halos isang oras nakong tumatakbo at pagod na pagod na ako pero hindi ko magawang mag pahinga.

Tinignan ko ang sanggol na hawak ko, napakaamo ng muka nito, napakaasul ng mata na parang malulunod ka pag tinitigan mo, may maputing balat at pulang labi.

Agad akong napabalik sa katinuan sa isiping papaslangin nila ang walang muwang na sanggol na ito.

Agad akong nagtago sa malaking puno at hinubad ang aking kwintas at isinuot ito sa sanggol.

"Ito lang ang maibibigay ko sayo mahal kong Lennore. Mahal na mahal kita aking anak."

Niyakap ko ng mahigpit si Lennore bago ko sya tuluyang iwan.

Hanggat nasa kanya ang kwintas na iyon ay hindi sya mahahanap ng mga hayop na iyon.

Mabilis akong tumakbo palayo dahil sa sandaling iyon ay naaamoy na nila ako at sa mga sandaling maabutan nila ko ay papaslangin nila ako.

Hindi nga ako nagkamali dahil narito na sila sa harap ko at napapaligiran na nila ako.

"Luther."
Mahinang usal ko.

"Kamusta mahal na reyna?"
At isang nakakatakot na ngiti ang ibinigay sa akin nito ngunit bago pa ako makasagot ay naibalya na ako. sa malaking puno at hawak ang leeg ko.

"Nasan na ang sanggol?"
Tanong sakin ni Luther, isang tapat na alagad ng mga Ventrue, kanang kamay ni Solomon, ang leader nila.

"Kahit anong gawin mo sakin ay hindi mo makikita ang anak ko."

Agad akong hinagis nito at humataw sa malaking puno.

Alam ko na na mangyayari ito kaya hinanda ko na ang sarili ko.

Hindi sa laban

kundi

sa kamatayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BloodlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon