Did you know what Barang is?

494 22 3
                                    



Tago-taguan maliwanag ang buwan pagbilang kung sampu nakatago na kayo. Isa..dalawa..tatlo... malakas na bigkas ni Guada sa mga kalaro. Madalas ito ang paboritong laruin lalo na kung kabilugan ang buwan.
Mabilis nagtago ang mga kalaro niya. Wala siyang makita ni isa. Walang siyang marinig. Tumindig ang kanyang mga balahibo. Huni ng malaking ibon ang pumapaimbabaw sa madilim at tahimik na gabi.

Mona..Celsa...Liza... tawag sa mga kalaro. Kinakabahan na siya nang biglang may marinig na nakakatakot na boses. Guada, Guada anas pero masyadong malaki sabay ng isang malademonyong halakhak. Parang galing sa malaking tao.

Liza...Celsa...iyak niyang tawag sa mga kalaro. Hanggang sa ginulat siya ng malakas na mga sigaw. Waaahhhhh.

Lumaki ako sa bayan ng Sta. Katalina. Isang bayang liblib at malayo sa kabihasnan. Sampung bundok siguro ang lalakbayin bago nakarating sa sibilisadong lungsod.

Tahimik ang aming lugar pero puno nang kababalaghan. Aswang, tikbalang, multo, maligno, nono sa punso, kulam at barang. Dito sa lugar namin may ospital pero iilan lang ang nagpapakunsulta dito, karamihan sa albularyo napunta.

Hindi pangkaraniwan ang pamayanang kinalalagyan ko. Parang death zone ito, nabubuhay sa simpleng buhay at namamatay sa simple pa ring pamumahay. Walang nakakaangat. Lahat pantay-pantay.
Sa paglaki ko nakalakhan ko ang mamuhay kasama ng mga hindi ordinaryong nilalang. Kaya dito sa lugar namin, alas sais pa lang ay wala nang tao sa labas.

Natural akong masipag at palabasa. Malawak ang aking pag-iisip at gusto kong imulat sa mga tao ang maling sistema nang pamumuhay meron ang aming kumunidad.

Nangarap ako at nagsikap makapag-kolehiyo. Sa bayan may munting kolehiyo nag-ooffer ng konting kurso. Titser, agrikultura, beterinaryo at midwifery. Titser ang napili kong kurso dahil sa kursong ito maaari kung imulat ang mga tao na hindi lamang kababalaghan ang nasa mundo.
Dahil gaya ng multo, hindi mo man nakikita ay pinaniniwalan mo. Na may Panginoon din na gaya ng multo hindi mo man nakikita ay alam mong siya lamang ang makakaligtas sa'yo.

Sa pagsusumikap ko ay tinuon ko ang aking isip at atensyon sa pag-aaral. Maganda ako at matalino. Hindi lingid sa akin ang dami ng lalaking nagpapalipad hangin. Magustuhan ko lang sila.

Uy..Guada ano sagutin mo na si Marco, siya naman ang pinakaguwapo sa mga nanliligaw sa'yo. Hay kung ganyan lang ako kaganda sa'yo hindi pa nanliligaw si Marco, oo agad ang sagot ko. As in capital letter OO, ani ni Mona sa kanya.

Sa bawat birada ng aking mga kaibigan sa eskuwela ay isang matamis na ngiti lamang ang aking sinasagot. Hindi ko alam nasa likod ng mga matatamis na ngiti ay mabubuo ang isang maitim na plano.

Hay, naku magsitigil nga kayo. Mag-aral na lang muna kayo mamaya may surprise quiz na naman ni Ma'am Kandido. Habang sinusuway ang mga ito sa pambubuyo sa kanya.

Maigting ang aking pangarap, sa bawat paglipat ko ng mga pahina ng libro sa silid aklatan, sa bawat hakbang ko pauwi sa aming munting dampa, sa bawat silip ko sa bintana ng aming bahay naroon ang matang laging nakabantay.

Wala akong hinangad kundi ang makapagtapos. Walang makakapigil sa akin sa aking pagkamit ng tagumpay.

Saan kayo galing inay, tanong sa aking ina. Batid niyang pagod na pagod ito. Naupo sa kawayang upuan nila. Naku, anak. Isara mo nga 'yang bintanang 'yan, hingal na sabi ng ina.

Ang mga kapatid mo nariyan ba sila, pagabi na. May namataan daw silang aswang sa malapit sa bukirin, tukoy ang bahay ni Aling Rosing na malapit sa bukirin. Buntis kasi ito, natural na ang ganoong sinaryo sa kanila lalo na kung may buntis.

Opo, nasa kuwarto po sina Jun-jun at Gigi. Si itay po, balik tanong sa ina. Bumuntong hininga ito saka sumagot sa kanya. Nandoon kasama ni kapitan upang tambangan ang aswang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BARANG(one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon