"Good morning classmates!"
Bati ko sa mga kaklase ko pagkapasok ko sa classroom. Ganito talaga ako. HYPER. Pero potek! Wala man lang pumansin. Tinignan ko sila isa-isa na pawang nakahawak sa gadgets nila. Lintik na free FB, lintik na WiFi! Dahil sa mga 'yan hindi na napapansin ang beauty ko. Yung mga classmates ko, naadik na sa social networks.
"Good morning din Mrs. Ferrer!"
Dumapo ang paningin ko sa isa pang adik...adik na adik sa pang-aasar sa akin. Tinawag pa akong Mrs. Ferrer! Kapalmuks talaga! I crossed my arms at hinarap ko siya. He's now flashing his 'nakakapanggalaiti smile'.
"Hindi na good ang morning ko! At sa'yo lang 'yang Ferrer mo! My name is Janine Charmaine Dela Cruz. Mrs. Ferrer ka jan! Eeew!"
Inirapan ko siya. Hindi naman naalis ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya at lumapit pa talaga siya sa akin.
"Talaga? Kung maka-eew ka diyan, parang hindi mo pinapangarap na matawag no'n ah!"
Sabi niya habang humahakbang papalapit sa akin.
"Feeler much! Feeling gwapo! Kapalmuks ka talaga! Bakit ko naman papangaraping makuha 'yang apelyido mo, aber?"
I stepped backward. Ewan ko, pero pakiramdam ko kasi may gagawin na naman siyang hindi kaaya-aya. Tapos ang mga hinayupak na kaklase ko, wala man lang reaction, nakatutok pa rin sa mga ginagawa nila. Malamang, e sanay na sanay na sila sa kabulastugang ginagawa sa akin ng mokong na 'to.
"Simply because I'm Hans Brille Ferrer...handsome, rich, and smart. A guy that every woman would want to have...and you're not an exception."
He smirked. Ilang pulgada na lang ang pagitan namin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Siguro dahil sa kaba at inis sa kahanginan ng lalaking ito.
"Woooo! Ang lakas ng hangin. Baka masira 'tong buong school. Ang yabang yabang mo talaga. Hindi ka ba naaalibadbaran sa kapreskuhan mo?"
I gave him a death glare. Ang yabang yabang yabang yabang talaga niya!
"Why should I? I'm just stating a fact. "
Akmang lalapit pa siya kaya tinulak ko na.
"Ano ba! Lumayo ka nga sa'kin!"
Sigaw ko. Bigla siyang tumawa.
"Chansing 'yun ah! If you wanna touch my abs, just tell me. I am more than willing to let you do it, baby."
He winked. Grabe talaga! Tinulak ko lang yung dibdib, anong chansing 'don? Magiging kriminal na ba ako kung papatayin ko ngayon ang lalaking nasa harap ko sa sobrang inis? Ang sarap niyang bigwasan.
"Excuse me? I pushed you on the chest, not on your tummy. And abs? Meron ka ba no'n? Baka naman tabs?"
Tumawa ako pero ngumiti lang ulit siya. Proud na proud talaga siyang ibalandra ang perfect niyang mga ngipin. Sarap bunutin lahat at i-donate sa museum!
"To touch is to believe, huh?..."
Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya.
"Pagbibigyan kita."
He placed my hands on his tummy for I-don't-know-how-long seconds. I froze. Feeling ko tumaas lahat ng dugo ko papunta sa aking mukha. It took me a while to come back on my senses.
"BASTOS KA TALAGA!!!"
Sinabunutan, sinapak, tinadyakan, lahat na ng kabrutalan ginawa ko sa kaniya. And take note, tatawa tawa lang siya habang pinipigilan ako sa PAGPATAY sa kaniya.
BINABASA MO ANG
BASTOS KA TALAGA! (One Shot)
Teen FictionI HATE HIM! Kaya hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Hindi pwede 'tong epekto na binibigay sa 'kin ng bastos na 'yon!