"Sometimes we have to let go of what is killing us, even if it’s killing us to let go."
Lane Pov
Nagising ako bandang 4pm na, si Iuhence ito at tulog parin. Malaya kong pinagmamasdan ang kanyang mukha na para bang kailangan kong imemorya ang bawat sulok nito dahil alam ko matagal bago kami magkita muli. Naniniwala akong darating ang panahon na yun maghihintay ako kahit aabot sa huling hininga ko, basta alam ko babalik siya. Masyadong unfair ang lahat sa mundong ibabaw, kailangan mo munang magsakripisyo at kung kinakailangan masaktan para patunayan ang isang bagay na kung minsan ay wala ring patutunguhan. Maswerte ka kung lahat ng pagod mo maganda ang ibubunga pero masakit kung hindi ito bibigyan ng halaga, ganyan umikot ang buhay sa mundong ito kailangan mong makipaglaro bawat segundo. Tulad ko ngayon kailangan kong tumaya baka sakaling manalo ako sa huli, masakit man pero alam ko sa sarili ko hindi man ako manalo mapatunayan ko lang sa kanya kung gaano ako kakapit para sa aming dalawa.
Iuhence "admiring the view?". Ay naku po gising na ang kumag.
Lane "ang panget nga eh". Masyadong bilib sa sarili eh, ang ganda naman talaga ng view eh.
Iuhence "wow, talaga lang ha. Feeling ko nga memorize mo na mukha ko eh". Sabay tawa, wow as in ang hangin.
Lane " ang lakas naman ng hangin feeling ko kailangan ko ng makapitan baka matangay ako." I just roll my eyes pero syempre biro lang haha.
Iuhence " okay lang na tangayin ka..."
Lane" ABA..."
Iuhence "kasama mo naman ako eh". Sabay wink ay tang'na po bumanat ang badoy haha.
Lane "bumangon kana dyan ang daming damo sa likod ng damit mo nyan". Pinagpag ko muna ang kanyang damit.
Iuhence "it's your fault inakit mo ako kanina eh kaya ayan sa damuhan tayo umabot". Wow ha ako pa talaga walanghiya to eh ang straight ng bunganga parang highway lang eh.
Lane "tumayo kana po dyan ang dami mong alam". Na una na akong tumayo sa kanya we have to fix our food for tonight, ang bilis naman ng oras bakit ba kasi hindi pwedeng magkaroon ng sariling doraemon eh. Pumasok muna ako sa tent para magbihis maliligo daw kami sa batis malapit dito, kailangan naming magmadali bago pa sumapit ang takip silim.
Iuhence " babe, are you done? Let's go". Ang dami namang endearment ng lalaking 'to.
Lane " yeah, coming". He close the tent, then he hold my hand as we walk.
Iuhence "sana ganito tayo palagi anu? Yung tayo lang." Sana nga, gusto kong idagdag pero wala akong lakas na loob, sa halip nagpatuloy lamang kami hangang sa umabot kami sa batis.
Tweet tweet tweet
Breeeze....
Wow this place is amazing there's no exact word can explain how beautiful it is. There are big trees, flowers, birds and a very beautiful waterfalls going stream, napagandang likha. Ang sarap sa pakiramdam parang ang gaan ang sarap tumira sa lugar na ito.
Iuhence "wow this is absolutely jaw-dropping. I can't imagine this place is real, someday I will build a home here with you and our children." Is he serious?
Lane " Children? So its plural meaning marami? Ay iba ka." Parang ang dami eh.
Iuhence "yes and better prepare when I come back. Maligo na tayo the water is calling me." Ay naguusap sila ng tubig? Nature lover eh. Lumusong na kami sa batis at kanya kanyang langoy wow subrang lamig nanunuot sa kalamnan, anu kaya ang magiging buhay namin kung dito kami titira mga kapitbahay namin ibon at kung swertehen pati unggoy tapos mga kalaro ng magiging mga anak namin anak din ng unggoy? Para diko gusto ang ideyang dito kami titira.

BINABASA MO ANG
Love Me With No Regret ( Cousins Whirl Series 1)
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, or actual events are purely coinciden...