LAHAT NG NAKASULAT DITO AY HINDI NAGSASABI NA ANG WRITER NITO AY ISANG ATHEIST O ANTI.
.
.
---
Gabi ng Huwebes Santo ng yayain ako ng aking mga pinsan na magvisita iglesia.
"Ha? May gagawin ako eh. Kayo na lang." Tanggi ko sa kanila.
"Ano naman aber? Hindi ka na nga nagsisimba tuwing Linggo tapos itong araw na lang na ito pagkakait mo pa?" Sabi naman ni Rica.
"Oo nga. 'yang facebook na iyan ay makapaghihintay Lira." Dagdag ng isa ko pang pinsan na si Jamaicah.
"sino bang nagsabi na magfa-facebook ako? May gagawin ako. GAGAWIN. Alis na nga kayo. Shuu~~" Birong pagtataboy ko.
"Bahala ka. Ikaw din." Iiling-iling na sabi ni Rica.
"Oo na. Kayo na banal, ako na ang hindi." Nginitian ko sila ngunit iling ang tinugon nila sa akin.
Kala mo naman sa pagvivisita Iglesia nila mawawala na parang bula lahat ng kasalanan nila. Tss.
-
Nakasakay ako ng jeep papunta sa eskwelahan ko. Kumukuha kasi ako ng mga advance subject para kaagad akong gumradweyt.
Nakita ko ang kaharap ko na inilagay sa noo ang hinlalaki, sa gitna ng dibdib, at sa magkabilang balikat. Napatingin ako sa labas ng bintana.
Cathedral
Napailing na lamang ako. Mga Katoliko talaga oh.
-
"Tita? Pwede po ba akong makitulog sa inyo? Mainit kasi sa bahay walang errcon" Ani ng pamangkin ko.
"Ano? Walang ERRCON? HAHA. Sige-sige. Sa kwarto ko ikaw matutulog, may errcon." Sinundan ko ng mahinang tawa at ginulo ang mahaba at makintab niyang buhok.
-
"Oh, Sleep ka na dali. Papatayin na ni tita ang ilaw."
"Tita, teka lang po. Pray muna po tayo bago sleep para hindi tayo lapitan ng mga devil. Bad yung mga yun." Ani niya.
"Sinong nagsabi niyan sayo?"
"Mama po."
"Sige, Pray ka na tapos tulog na."
"Kayo po hindi?"
"Hindi na. Malaki na si tita. Sige, pray ka na."
Tinitigan ko siyang magdasal. Mga bata lang ang may karapatan magdasal dahil sila, wala pa silang mga kasalanan hindi tulad ng mga matatanda na sobrang itim na ng budhi ay nagagawa pang magdasal at humiling sa Diyos. Hindi na sila nakonsensya. Kakausapin lang siya kapag may kailangan.
"Goodnight, Tita."
"Goodnight din Pauline."
-
"Pupunta kami sa probinsiya ng nanay mo. Tatlong araw lang naman. Magpakabait ka rito ah? Wag kang magdadala ng lalaki rito, Lirah, Sige. Alis na kami."
-
Nakaupo ako sa sofa namin. Hindi alam ang gagawin. Batong-bato na ako sa rito sa bahay eh wala pang kalahating araw umaalis sina nanay. Kinuha ko ang phone ko at nagdial.
"Vid? Sa bahay. Wala ang mga magulang ko... Oo... Hindi, tatlong araw silang wala... Oo, magdala ka ng weeds... Takte, Libre mo na, mura lang nun... Oo, na. Dali mo baka magbago ang isip ko." Binaba ko na ang phone ko.
BINABASA MO ANG
INCUBUS, THE SEX DEMON
ParanormalWhen you have no faith in him, this might happen to you. Finished: √ Edited: √ Written by: FriggerLickingGood