"Jess! Gising na anak tanghali na! baka ma late ka sa school!"
Sigaw ni aling Maria na ina ni Jess habang nagluluto ng almusal.
"opo ma pa baba na po!"
Sagot ni Jess habang pa baba ng higaan.
"Oh anak na ligpit mo na ba ang mga gamit mo? dahil sa darating na linggo lilipat na tayo ng bahay."
Tanong ng ina ni Jess habang nag aayos ng baon ng anak sa skwelahan.
"Ma lilipat tayo? ok naman po ang bahay natin dito ngayon bakit kailangan pa po natin lumipat?"
tanong ni Jess.
"Kasi anak, gusto ng tatay mo doon, kasi mas malapit sa skwelahan at dun din itatayo ng tatay mo ang ating bagong negosyo at higit sa lahat mas malawak doon kesa dito ang ang liit space at ang init. sigurado naman ako na marami kang naman magiging bagong kaibigan doon."
Mahinahon na sagot ng ina.
Hindi gaano tanggap ni jess na lilipat sila ng bahay, ayaw nyang iwanan dahil marami siyang alaala dito at ayaw nya sanang ma palayo sa mga kaibigan at kababata sa kanilang lugar.
Dumating ang araw ng linggo at nag paalam na siya sa kanyang mga kaibigan at kapit bahay. At sinimulan na nga nila mag hakot ng gamit at nagtungo sa panibago nilang bahay.
Malaki ang bahay, may second floor, may garage at katabi nito ang dalawang bakanteng lote na kailan man walang gustong mag patayo ng bahay dito sa di malamang dahilan. may katabi itong malaking puno na halos kasing taas ng bahay.
Nang nakarating sila Jess sa panibagong bahay nila.
"Ma mukhang matagal na ata walang nakatira dito?"
Tangong ni Jess sa ina
"Oo medyo matagal na rin walang nakatira dito,ang Madalas na nag rerenta dito hindi masyado nag tatagal kasi kadalasan bakasyonista ang nagre rent ng bahay, kaya madalas walang tao dito. Ang huling tumira sa bahay na ito ay isang pinay na may asawang americano kaso ilang linggo lang lumipat na ng bahay"
Ang sagot ni aling maria sa anak
Pagkatpos ng buong araw ng pag aayos natulog na Si Jess, kasama nya ang kanyang mga kapatid sa kwarto at sa kabila naman ay ang kanyang mga magulang.
Pag sapit ng ala una ng madaling araw nagising si Jess dahil sa narinig nyang ingay sa labas ng kwarto na para bang may nag type ng keyboard ng kanyang computer.
"Ma ikaw ba yan? ang aga naman po ninyo mag computer"
Sigaw ni Jess habang nasa kwarto. ngunit... walang sumasagot at patuloy ang pag kaluskos at palakas na palakas na tunog na tila may nag ta type sa keyboard na para bang nag dadabog.
Muling simigaw si Jess
"Ma matulog ka na na po madaling araw na d po ako makatulog sa lakas nyo mag type!"
Wala parin sumasagot sa mga pinag sasabi ni Jess. dahil dito nag disisyon si Jess na lumabas ng kwarto at tignan kung sino ang gumagamit ng kanilang Computer ngunit bago sya makalapit sa pinto...
Blaaaaaag!
BINABASA MO ANG
White House - Based on true story
HorrorAng bahay ay nagsilbing silungan o tirahan ng isang pamilya, at ito rin ang lugar kung saan binuo ang ating pagkatao, ng ating mga pag uugali, asal at mga nagiging pananaw sa buhay. Dito din nabubuo ang mga magandang alaala at mga pangyayari sa...