CHAPTER 4

37 2 1
                                    

KEN'S POV

Hindi ako mapakali. Kasalukuyan akong nakahiga dito sa kama ko. Anong oras na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Shit. Ano kayang problema ni Sapphire? Yung pangit na yun hindi man lang ako pinansin kanina. Kahit anong gawin kong pagpapasikat kanina deadma pa rin siya. Pag pasok niya pa lang kanina, parang may mali na talaga. May kakaiba.

"Aishhh" bwisittt. Ano bang problema ng babaeng yun? Napansin kong parang umiyak siya. Hindi ko sure pero yun ang feel ko kasi mas lalong sumingkit yung mata niya. Ang engot naman nun, singkit na nga mata umiyak pa. Edi mas lalo siyang parang walang mata. Teka nga lang. Bat ba yun ang iniisip ko? Tsk. Pasalamat siya at iniisip ko siya. Ang swerte niya dahil ang isang tulad ko iniisip siya

'Hoy ken! Wag mo na ngang isipin yung babaeng yun' sabi ng utak ko. Hays ewan pati ba naman bago pagtulog ko iniistorbo ako ni Sapphire. Makatulog na nga lang.

------------
KINABUKASAN

4:30 pa lang gising na ako. May kalayuan kasi tong bahay namin sa SCA. Mga 6:30 naman nandun na rin ako. Naligo at nag ayos ng sarili ang una kong ginawa bago bumaba para mag agahan. After kong kumain hinintay ko yung service namin at mga pinsan ko. Nung dumating sila, pumasok ako agad sa sasakyan namin at sinalpak ang earphones ko.

---------
Paakyat na ako ng room ng makasalubong ko sila Brylle, JV, Ej, Kent at Ace. May pinaguusapan sila. Ng makita nila ako tinawag nila ako. Sila na yung mga naging ka barkada ko dito sa SCA.

"Oyy Ken, si Brylle crush si B--" naputol ang sasabihin ni Ej ng takpan ni Brylle ang bunganga nito.

"Sino?" Tanong ko.

"Ako na magsasabi. Bwisit kayo. Wag niyo akong ilalaglag" Brylle

"Oo naaa" sabay sabay naming sabi

"Si Blair" bulong ni Brylle saakin. What the fuck??

----------
Nandito na kami sa room pero parang hindi ko pa rin ma absorb yung sinabi ni Brylle. Ano namang nagustuhan niya sa babaeng yun? Sakto lang yung kulay niya, hindi maitim at hindi rin maputi. Singkit ang mga mata. Chubby ang cheeks. Hindi mataba, hindi rin mapayat. Sakto lang rin height niya. Psh. Hindi marunong mamili. Ayy ewan. Susuportahan ko na lang siya sa gusto niya. Naputol ang pag iisip ko ng pumasok si JV na may sinasabi kay Brylle.

"Oyy dre. Andyan na siya" bulong niya kay Brylle pero narinig ko kasi katabi ko lang si Brylle.

Pagpasok ni Blair nagsalubong agad mga mata namin. Tsk. Lagi na lang ganto. Tuwing papasok siya magkakatitigan kami. Nag smirk ako at nagulat ng sinamaan niya ako ng tingin. Yesss! Ok na siya. Ewan ko kung anong nangyayari saakin pero napangiti ako dahil hindi na siya magiging tahimik ulit. Nawala bigla yung ngiti ko ng dahil sa sinabi ni Brylle kay Blair

"Good morning Blair. Ok ka na ba?" Nakangiting tanong niya.

"Morning Brylle. Oo ok na ako. Thank you ulit" sagot niya

FORBIDDEN FEELINGSWhere stories live. Discover now