xx: Typos and Grammatical Errors are present in this story.

--------------

Lay's POV

"Bakit Renz?! Bakit kailangan mong makipaghiwalay sa akin?" rinig kong sabi ni Jane sa lalaking kaharap niya ngayon. Patuloy pa rin sa pagbuhos ang kanyang luha galing sa kanyang mga mata.

"Jane, please lang... Pakawalan mo na ako." iritadong sabi ni Renz, ang boyfriend ni Jane na ngayon ay nakikipaghiwalay na.

Halos dalawang taon rin silang naging magkasintahan. Hindi nga mapaghiwalay yang dalawang yan sa isa't-isa noon.

"Hindi! Hindi ako papayag hangga't hindi mo sinasabi ang dahilan! Bakit?! May ipinagpalit ka na ba sa akin?! Ha?!" sunod-sunod na sabi ni Jane.

"Gusto mong malaman ang totoo? Ha?!" nag-smirk siya at sinabing...

"Nakikipaghiwalay na ako sa iyo dahil HINDI NA KITA MAHAL! NAIINTINDIHAN MO BA?! ANO?! MASAYA KA NA BA AT NALAMAN ANG TOTOO?!" sigaw nito na naging dahilan upang lalo pang humagulgol si Jane.

Habang tinitignan ko mula rito si Jane, hindi ko maiwasang malungkot at maawa para sa kanya. Hindi siya deserving para maranasan ang mga ganitong bagay. Siya yung tipo ng babae na kailangan alagaan.

Yung para siyang porselana na kailang ng pag-iingat at hindi mo ito hahayaang mabasag. Fragile.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang tinitignan niya si Renz na naglalakad na paalis.

***

Dialing... Jane

Pang-ilang tawag ko na 'to sa kanya pero hindi niya pa rin sinasagot. Ano na kayang nangyari dun?

"Hello?" sabi sa kabilang linya. Isa lang ang ibig sabihin nito, sinagot na niya ang tawag ko.

"Hello Jane? Bakit hindi mo sinasago--"" naputol ang pagsasalita ko nang makarinig ako ng pagiyak.

Si Jane..... Umiiyak si Jane.

"Jane? Asan ka? Pupuntahan kita. Hintayin mo ako."

"Andito ako sa rooftop ng bahay."

Pinutol ko na ang linya at agad na sunakay sa sasakyan ko. Pinaharurot ko ito para lang makarating agad sa bahay niya. Wala akong pakealam kahit alam kong ano mang oras ay pwede kong ma-meet ng personal si Kamatayan.

Dumiretso nga ako sa rooftop. Ang paborito naming tambayan ni Jane.

Naging saksi ang lugar na ito sa pagkakaibigan namin ni Jane. Pati na rin ang Lihim kong pagtingin ko rito.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Jane. Nakita ko siya sa may sulok habang siya ay nakaupo at nakabaon ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.

"Jane..." yan lamang ang lumabas sa aking bibig.

"Bestfriend, bakit ganon? Bakit ang unfair niya? Bakit niya ako hiniwalayan? Sabihin mo nga... Bakit?!" sambit nito at tuluyang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Wala akong masabi. Tanging yakap ko lamang ang isinagot ko sa kanya. Kailangan niya ng kaibigan ngayon. Kailangan niya ako.

Iyak lang siya ng iyak at patuloy naman ako sa paghagod ng likod niya hanggang sa kumalma siya.

(Play: Fall - Justin Bieber)

Let me tell you a story

About a girl ang a boy

Fall (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon